1

1.2K 27 0
                                    

I woke up early in the morning kahit walang pasok. Maybe nakasanayan ko na dahil eversince I was a kid ay bihira lang akong tinanghaling nagising.

Agad ko namang hinagilap ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe para batiin si Light.

To My Light♥

Happy Birthday Light.

I greeted then naghintay ng reply niya pero walang dumating. Baka tulog pa kasi sobrang aga ko naman talagang nagising.

Hinayaan ko nalang muna ang phone ko saka nagbihis at nag-ayos ng sarili. I'm going to bake some cupcakes at ireregalo ko ito kay Light mamaya. Sana lang ay magustuhan niya. Alam ko kasing mahilig siya sa sweets especially chocolates kaya gagawan ko siya ng chocolate cupcakes.

"Wow young lady, mukhang masarap na naman yang binibake mo. May pagbibigyan ka ba niyan?" Tanong ni Nanay Lani na matagal na naming kasambahay at siyang nag-alaga din sa akin noong maliit pa ako.

"Ah opo, yung kaibigan ko po na may brithday ngayon."

"Ganon ba, nga pala. Kailan mo ulit dadalhin ang mga kaibigan mo dito sa bahay?"

"Hindi ko pa po alam pero baka after graduation nalang po siguro."

"Ay maiwan na muna kita dahil may naiwan pa akong gawain sa kwarto mo." anito saka umalis samantalang pinagpatuloy ko naman ang ginagawa ko.

Sobrang bilis ng oras at ngayon ay gabi na. Sa ngayon ay papunta na ako sa bahay ni Light at kasama ko ang mga kaibigan ko. Sinundo kasi nila ako sa bahay at dala nila ang sarili nilang mga sasakyan.

Mabuti nga sila at marunong ng magdrive ako hindi pa dahil pinagbabawalan ako nina Dad. I know na iniisip lang nila ang safety ko kaya hindi nalang ako nagprotesta pa. May sarili din naman daw kasi akong driver kaya no need na daw na matuto pa ako.

This is the first time na makakapunta ako sa bahay ni Light kaya medyo kinakabahan ako na ewan.

"Ah Cams, tayo tayo lang ba ang pupunta don or may iba pa?" I asked one of my friend na katabi ko kasi hindi talaga ako sanay na humarap sa madaming tao at walang nakakaalam non. Nahihiya kasi akong makisalamuha sa iba.

"Nope, ang alam kasi namin ay nandon din yung ibang pinsan ni Vlaizen pati mga kakilala niya." She answered kaya mas lalo akong kinabahan. Relax Xyrish, wag kang kabahan. Tao lang din sila gaya mo.

"Were here!" anunsyo ni Giana na siyang nagdrive na sinasakyan namin ngayon.

Pinauna ko silang lumabas at nagpahuli ako para makahinga muna ng malalim. Wala ng atrasan to.

Agad ko namang dinala ang paper bag na naglalaman ng regalo ko kay Light at lumabas na ng sasakyan.

"Pasok na tayo girls." Sabrina said at nauna nang pumasok sa bahay ni Light.

Sumunod naman kaming tatlo sa kanya at pumasok narin sa loob ng bahay. I roamed my eyes around the house and I can say that mas malaki itong bahay nila kaysa sa amin. Of course because they are richer than my family.

Walang tao sa loob ng bahay dahil nasa garden nina Light ginaganap yung party niya.

Sakto namang pagkapunta namin sa garden area nila ay nakita agad namin si Light na kinakausap ang mga kabarkada niya sa isang table. Itinuro kami ng kasama niya kaya agad siyang lumapit sa amin para salubungin kami.

Ang dami nga talagang tao ngayon dito.

"Are we late?" Cam asked at umiling naman si Light.

"Your just in time." Anito pagkakita sa amin.

My Kind of Light ✔ [Completed]Where stories live. Discover now