2

997 23 0
                                    

After that heartwarming scenario ay nandito parin kami sa loob ng kwarto na mistulang mini galaxy. Nakaupo kaming dalawa sa sahig at nasa likod ko si Light habang nakayakap sa akin.

Ganito pala kasaya ang mararamdaman mo kapag may taong nagmamahal sayo ng totoo bukod sa pamilya mo. This thing is new to me dahil si Light palang ang unang lalaking pinapapasok ko sa buhay ko. He is my first love, my first boyfriend and I hope he will be the last.

Wala akong karanasan sa pagkakaroon ng boyfriend kaya gagawin ko ang makakakaya ko para hindi magsawa sa akin si Light. Ganon kasi ang mga nababasa ko sa mga romance stories kaya para daw hindi magsawa sayo ang lalaki ay gawin mo ang lahat para hindi ka niya iwan, but make sure na magtira ka rin para sa sarili mo.

"Light.."

"Hmm?"

"Ikaw lang ba ang nakatira dito bukod sa mga kasambahay?" I asked kaya napabitaw naman siya sa yakap niya sa akin at sinagot ako.

"Actually I'm living with my parents but they are out of the country for business thing. Pag-uwi nila ipapakilala kita sa kanila." Anito

"Ah sure. So thats why I can't see them here. But is it okay with you na wala sila dito kasi diba birthday mo ngayon tapos wala sila." I asked again

"Of course bakit naman hindi besides business is important. Nagkikita naman kami lagi tsaka hindi naman mahalaga sa akin kung nandito sila o wala sa birthday ko. Hindi naman na ako bata para magdemand na makasama ko sila sa araw nato." Anito at may narealize naman ako. Mukhang magkaiba kami ng preference tungkol don kasi ako gusto ko laging nakakasama ang parents ko tuwing birthday ko. Maybe because lalaki siya at babae ako.

"Oh okay. Anyways, I haven't given my present to you." I said then kinuha ang kanina ko pang bitbit na paper bag. Buti nalang pala at dinala ko to pagkaalis namin kanina.

"You still have one?" Hindi niya makapaniwalang tanong

"Yeah, here take it." I said then ibinigay sa kanya ang ginawa kong cupcakes kanina. Actually hindi lang cupcakes ang laman non kasi niregaluhan ko din siya ng isang black cap. He likes to wear caps especially the black one kaya yon ang naisip kong iregalo sa kanya. Sa akin sana yon  kaya lang wala akong ibang naisip na mairegalo sa kanya kaya yon nalang ang ibinigay ko. Hindi ko pa naman kasi nagagamit yon tsaka last year ko lang yon nabili when I was having my vacation in the US.

"Wow! Cupcakes and a cap! Thank you sweetheart."

"Your welcome, pasensya na at yan lang yong regalo ko sayo. Nakalimutan ko kasi na birthday mo e. Sorry talaga." I told him

"Its fine sweetheart, maging official girlfriend lang kita ngayong araw ay sobra sobrang regalo na yon para sa akin." anito saka niyakap ako ulit ng mahigpit na animoy hindi na ako papakawalan pa.

"Can I kiss you again?" He asked kaya marahan naman akong tumango as a sign na pumapayag ako. And with that ay mabilis niyang inilapat ang labi niya sa akin. He kissed me passionately and that gives me butterflies in my stomach gaya ng lagi kong nararamdaman.

"You're mine sweetheart.. only mine." He said before he deepened his kisses to me na agad ko namang tinugunan.

"Yes Light.. I'm only yours." I answered between our kisses.

Gosh! I feel like I was drunk not with the alcohol but with his kisses.

After that mindblowing kiss ay bumalik na kami sa baba at nakisama ulit sa mga bisita niya na halos puro mga lasing na. Even my friends is already drunk kaya paano kami makakauwi nito?? Malalim narin ang gabi at ayokong istorbohin ang driver ko para magpasundo dito.

My Kind of Light ✔ [Completed]Onde histórias criam vida. Descubra agora