10

1.2K 25 0
                                    

Carrying a child isn't really easy lalo na kapag wala kang katuwang sa buhay. But having a family who always supports you anytime is really a good thing. Nakakagaan ng loob as well as nakakamotivate dahil nanjan sila nakasuporta lang sayo.

"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mong umalis anak??" My mom asked again dahil bukas ay flight ko na papuntang Paris. I decided to leave dahil kung nandito ako sa Pilipinas, baka mas lalo lang akong mastress at baka mawala pa ng tuluyan ang anak ko.

Paris is one of my favorite country at gusto kong doon na maniharan at magbagong buhay malayo sa mga taong mapanakit at mapanghusga.

"Sigurado na ako mom. I just can't stand staying here lalo na at nasa paligid lang ang mga taong nanakit sa akin. I want to move on at para magawa ko yon kailangan kong lumayo tsaka ginagawa ko to hindi lang para sa sarili ko kundi para sa anak ko rin."

"Kung yan ang makabubuti sayo ay hindi na kita pipigilan pa but just make sure na aalagaan mo ang sarili mo. Wala kami ng dad mo doon kaya lagi kang mag-iingat."

"Oo naman po pero mamimiss ko talaga kayo ni Dad."

"Kami din anak pero dadalaw dalawin ka naman namin ng dad mo doon kapag may oras kami."

Tumango nalang ako saka pinagpatuloy na ang pagliligpit ng mga gamit na dadalhin ko. Sasamahan nga rin pala ako ni Kuya papunta don at masestay daw siya hanggang sa makapanganak ako. Tsaka doon narin kasi sa Paris naninirahan ang lolo niya kaya doon na daw muna ito para pareho niya kaming maalagaan.
Doon din kasi ako sa bahay nila titira sa kagustuhan narin ni Kuya pati nina daddy at mommy.

Kakatapos ko lang mag-ayos ng mga gamit ng tawagin ako ni Nanay Lani.

"Bakit po?"

"May bisita ka anak."

"Sino po nay?" I asked at nagulat ako sa sinagot niya.

"Si Vlaizen anak, pinapasok ng mommy mo kasi nagmamakaawang makausap ka. Babain mo daw sabi ng mommy mo." Anong ginagawa ng lalaking yon dito? Diba wala na siyang pakialam sa akin?

It's been a week since everything happened at isang linggo ko narin siyang hindi nakikita.

"Pakisabi nalang po maghintay siya." I told nanay saka niligpit na ang mga gamit ko sa isang tabi saka hinimas ang impis ko pang tiyan.

Huminga naman muna ako ng malalim saka bumaba.

"Why are you here?" Malamig kong sambit kaya napatingin siya sa gawi ko saka tumayo.

"I..I just want to say sorry for everything that I did to you. Hindi ko sinasadya." He said while looking straight in my eyes pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Sorry?? Hindi sinasadya? Really? Mababago ba ng sorry mo ang lahat? You already hurt me bigtime Vlaizen at hindi matutumbasan ng isang sorry mo ang lahat! Niloko mo ako! Pinagmukha mo akong tanga at pinaniwala na iba ka, na nag-iba ka na! Minahal kita ng totoo pati sarili ko binigay ko sayo pero anong napala ko? Wala kasi pinaglaruan mo lang ako!" sigaw ko saka siya pinagsasampal at sinuntok sa dibdib.

God! Akala ko naiyak ko na lahat pero hindi pa pala! Nakakainis!!

"I hate you so much Light Vlaizen at pinagsisisihan ko na minahal pa kita! Magsama kayo ng malanding si Giana!"

"Please Xy--"

"Umalis ka na!"

"But--"

"Sinabi ng umalis ka na eh!" Sigaw ko ulit saka siya tinulak papalabas ng bahay namin.

God! Bakit sa lahat ng tao ako pa ang nasaktan ng ganito?? Ano po bang kasalanan ko at nararanasan ko ito??

Ito na talaga ang huling beses na iiyak ako dahil sa lalaking yon. Pinapangako ko yan sa sarili ko.

My Kind of Light ✔ [Completed]Where stories live. Discover now