Chapter 41

152 4 1
                                    

A/N: Patapos na ako sa editing kaya limang beses na ako mag-update everyday.

*****

KABANATA 41

YEARS AFTER...

RINIG ang mga bungisngis ng tatlong bata na ngayon ay nag-enjoy sa pool. Si Jezrell at Jezren ay pabalik-balik ng langoy na tila nag-uunahan pa papunta kay Darrell. Marunong lumangoy ang kambal kahit wala silang suot na lifevest. Baby pa lang kasi silang dalawa ay nakitaan na namin ni Darrell na mahilig magswimming kaya tinuruan ni Darrell ang kambal.

“Tito Daddy, I'm scared.” Yumakap si Zhavia kay Darrell na ngayon ay hawak-hawak niya. Tinuturuan ni Darrell si Zhavia na lumangoy habang ang kambal ay nagcheer lang sa pinsan nila.

Yes, nandito sa bahay si Zhavia. Siya muna kasi ang baby girl namjn ni Darrell dahil wala pa akong balak na sundan ang kambal. Madali na lang namin siya nakukuha o nahihiram kay Kuya dahil nagpagawa si Kuya ng bagong bahay sa katabi lang nitong bahay namin na pinagawa ni Darrell. Ang sabi ni Kuya, mas gusto niya raw na malapit lang sa bahay namin ang bahay nila para madali na lang daw niyang mahihiram ang kambal. Last year lang sila lumapit sa kabilang bahay, Anniversary gift niya iyon kay Kaila.

And nasa hospital si Kuya at Kaila ngayon dahil sumakit kanina ang tiyan ni Kaila. Nanganak na si Kaila kanina sa second born nila ni Kuya. Baby boy ang gender ng pamangkin ko. Kamukhang-kamukha nga ni Kuya ang baby nila na parang carbon-copy niya noong baby pa kami. Nagsend kasi si Kuya sa akin kanina ng picture ng baby boy nila ni Kaila dahil mamaya pa kami nakakapunta sa hospital.

“You can do it, Baby.” nakangiting sabi ni Darrell bago hinalikan uli ang kamay ni Zhavia.

“Come on, Ate Zhavia! You can do it!”

“Yes! Ate Zhavia! You can do it!”

“Come here.” Inalalayan ni Darrell si Zhavia. May suot naman na floaters si Zhavia kaya hindi naman siya lulubog. Natatakot lang kasi siya na bitawan siya. Kaya ng nagkaroon siya ng lakas ng loob na subukan na bumitaw kay Tito Daddy niya ay lumapad ang ngiti ko.

“Yes! That's my pamangkin!” sigaw ni Darrell ng mag-umpisa ng lumangoy si Zhavia at pumunta sa dalawang pinsan na nag-aabang sa kanya sa kabilang dulo ng pool.

“Yey! Good girl!” masiglang sabi ni Darrell bago niyakap si Zhavia ng makalapit siya sa batang babae.

“Again, Tito Daddy! Again! This is so fun!” magiliw na sabi ni Zhavia kaya muling pumwesto ang kambal sa kabilang dulo ng pool para abangan ang pinsan nila na lumangoy papunta uli sa kanila. Pagkatapos ay pinagkukumpulan nilang tatlo si Darrell na parang walang kahirap-hirap niya namang kinarga habang sa kanya lang nakakapit iyong tatlo.

“Babies! Huwag masyadong pagkumpulan si Daddy baka naman malunod si Daddy niyan!” sigaw ko bago inilapag ang binake kong cookies para sa kanila.

“Sorry, Daddy,” sabay na sabi ng kambal.

“It's okay. Kayang-kaya kayo ni Daddy... Sus! Ako pa.” Nagkatitigan kami at kapwa napangiti. “Isali niya pa si Mommy!” pagyayabang niya pa kaya sinigkitan ko siya ng tingin.

“Mommy, sali ka sa amin!” masiglang sabi ni Jezrell na minsan lang kung ngumiti dahil nakuha niya ang pagiging seryoso lagi sa Dadilo niya na si Dad.

“Na'ko! Malamig ang tubig saka hindi nakapang-swimming si Mommy--” Natigilan ako ng umahon si Darrell habang hindi inaalis ang tingin sa akin. “Hon?! Teka, isa--” Hinabol ako ni Darrell paikot kami sa pool habang tumatawa ang mga bata.

“Sali ka na kasi, Mommy.”

“Ayaw mong magpahuli, ah?” nakangising sabi ni Darrell pagkatapos ay para kaming nagpapatentero sa paligid ng pool.

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Where stories live. Discover now