Chapter 27

149 5 1
                                    

KABANATA 27

NANG maramdaman ko na tumigil ang sasakyan na sinasakyan ko ay parang akong hihimatayin sa kaba na nararamdaman ko.

"Baba," utos ng lalaki. Inalalayan nila ako dahil nakapiring ang mga mata ko. Dahan-dahan ang bawat galaw na ginawa ko dahil paniguradong magkamali ako ng apak ay babagsak ako na ayaw ko mangyari dahil mapapahamak ang mga anak ko.

"Careful," rinig ko sabi ng isa sa mga lalaki. Kahit papaano pala ay may awa rin sa akin ang mga lalaking ito na kumidnap sa akin.

Nagsimula kaming maglakad at may nakaalalay sa akin na isang lalaki. Sinasabi niya sa akin na humakbang ako dahil may hagdan daw na sinunod ko naman. Tapos ilang saglit lang ay pinahinto nila ako. Napasinghap ako ng may naramdaman akong malapad na palad na humawak sa pisngi ko at hinaplos iyon. Bigla akong kumalma sa ginawa niyang paghaplos sa pisngi ko at nawala ang kabang nararamdaman ko sa haplos na iyon dahil kilala ko na kung sino ang humawak sa pisngi ko.

"Darrell?" paghuhula ko. Narinig ko ang isang pamilyar na tawa na galing sa harapan ko at kilala ko kung kaninong tawa 'yon. Tama ako sa paghula ng pangalan niya.

"Grabe ka naman, Hon. Nahulaan mo agad kung sino ang humaplos sa'yo?" natatawang sabi niya kasabay ng pagtanggal ng pagkakapiring ko. Dahan dahan kong minulat ang mata ko at bumungad agad sa akin ang nakangiti niyang mukha. Nagulat ako nang may narinig akong mga sumigaw.

"HAPPY 1ST WEDDING ANNIVERSARY!!!" Napatingin ako sa mga sumigaw. Nakita ko ang mga kaibigan ko kasama ang mga parents namin ni Darrell. Nandito rin ang fiancé ni Aries na si Mayara, malaki na ang tiyan niya at ang alam ko ay this month na siya manganganak. And baby boy ang gender ng anak nila.

Tumingin ako ulit kay Darrell na nasa gilid ko at nakaalalay sa likod. "Happy anniversary, Hon," nakangiti niyang sabi ko.

"Sh*t! I forgot na wedding anniversary natin ngayon. By the way... Happy anniversary, Hon," sabi ko sa kanya. Hinalikan naman niya ako sa noo.

Naalala ko bigla iyong apat na lalaki na kumuha sa akin sa mall kanina. Napatingin ako sa likod ko at nakita ko iyong apat na lalaki na nakangiti sa akin ng pilyo. Mga kaibigan ni Darrell.

"Mga punyeta kayong apat! Hindi niyo ba alam na halos mamatay na ako sa kaba sa ginawa niyo! Kayo lang pala iyon!" singhal ko sa apat na tinawanan lang ako pati na rin ni Darrell.

"Parang hindi naman, Mrs Buenavilla. Ang kalmado mo kaya," komento ni Claude, sa kanya pala iyong boses na pamilyar sa akin.

"Sinong nakaisip na gawin iyon sa akin? Mapapatay ko 'yon!" singhal ko. Bigla namang tinuro nang apat ang katabi ko kaya tinignan ko ng masama si Darrell na siyang nasa tabi ko. "Totoo ba? Ikaw nagplano na takutin ako?" tanong ko sa kanya. Napakamot naman siya sa batok niya na ikinatawa ng mga kaibigan niya.

"Ginawa ko iyon para rito sa surprised ko sa'yo."

"Hindi nakakatuwa iyong ginawa mo, Darrell. Mamamatay na ako sa kaba o 'di kaya ay mapaanak ako ng maaga, bweset ka!" sabi ko sabay palo sa braso niya na ikinatawa lalo ng mga kaibigan niya.

"Oo na, hindi na nakakatuwa. Hindi na mauulit. Tignan mo muna kasi iyong paligid mo baka sakaling matuwa ka pa," sabi niya. Agad ko namang nilibot ng tingin ang buong bahay kung saan kami ngayon. Ang ganda at ang laki ng buong bahay. Ang ganda ng pagkakagawa ng bahay at ang pagkakadesign ng interior.

"Ang ganda ng bahay. I like the interior design of this house. Sino ba ang may-ari ng bahay na ito?" sabi ko habang nililibot pa rin ng tingin ang buong bahay.

"Talaga? Nagustuhan mo ang bahay?" nakangiting tanong ni Darrell.

"Yes, ang ganda. Kaninong ba itong bahay?"

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Where stories live. Discover now