Chapter 4

265 10 1
                                    

KABANATA 4

ILANG BUWAN na ang nakalipas simula ng umamin si Kenneth kay Thrizchia na mahal niya na ito. I'm so happy for Thrizchia dahil hindi na siya malulungkot at masasaktan kapag nakita si Kenneth dahil siya naman pala ang mahal nito. And about Darrell and I, ganoon pa rin naman kami. Mas lalo ko siyang minamahal kapag lagi kaming magkasama at the same time nalulungkot.

Alam mo iyong pakiramdam na nagkakaroon ka ng pag-asa na may nararamdaman din sa’yo ang taong gusto mo pero impossible na maging kayo dahil may mahal siyang iba.

Ngayon ay papunta ako sa restaurant kung saan kami magde-date ni Darrell. Palagi rin kaming nagde-date ni Darrell para makabawi raw siya sa akin kasi nagiging busy na raw sila ngayon. I understand naman kasi ganoon din si Kuya.

Pagkarating sa restaurant ay pinark ko sa isang tabi ang kotse ko bago bumaba at pumasok ng restaurant. “Ma'am, do you have a reservation?” tanong ng waiter na sumalubong sa akin.

“Yes, from Callib Darrell Buenavilla,” sagot ko.

“Oh, kay Mr Buenavilla po. This way po, Ma'am,” magalang at nakangiting sabi ng waiter at sinamahan ako kung nasaan ang table namin ni Darrell.

Nagtaka ako kung bakit sa garden ng restaurant kami pumunta. Nakita ko rin ang mga rose petals na nagkalat sa dinadaanan namin. Hanggang sa makarating kami sa table for two na nasa gitna ng garden kung saan ay nakita ko siyang nakatayo habang may hawak na bouquet of roses. Nakirig ko ang pagtunog ng “Perfect by Ed Sheeran” na violin instrumental na nakadagdag ng romantiko sa paligid.

Naglakad siya papalapit sa akin habang may ngiti sa labi niya. Nanatili pa rin akong nakatayo sa kinatatayuan ko at hinihintay ang paglapit niya.

“For you, Honey,” sabi niya at binigay sa akin ang bouquet of roses na agad ko naman tinanggap at inamoy.

“Ano ito?” tanong ko sa kanya sabay libot ng tingin sa garden ng restaurant. Puno ito ng mga yellow light na nagpaganda sa lugar. May mga lantern sa damuhan na nakakadagdag atraksyon sa paligid.

“Pinaghandaan ko ang gabing ito para sabihin sa’yo ang tunay na nararamdaman ko para sa’yo, Jezelle,” seryosong sabi niya. Nanatili lang akong tahimik habang nakatingin sa mata niya. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at hinalikan niya iyon.

“Sa ilang buwan na kasama kita ay natutunan ko ng ibigin ka. Hinayaan ko ang sarili ko na mahalin ka at kalimutan siya. Hindi ko pinilit ang sarili ko na mahalin ko kundi ay kusa ko iyon naramdaman. Hindi ko inaasahang darating ka bigla sa buhay ko. Walang babala, walang kung anong senyales o palatandaan. Hindi nga rin sumagi sa aking isip na pwede palang magbago ang aking pangarap. Ngunit totoong dumating ka at kasabay mo ay pagbukas ng pinto ng iba’t ibang posibilidad, na ikaw ang patunay na ang ibibigay sa atin ay higit pa sa ating ipinagdarasal. Ikaw iyong nahanap ko kahit hindi ko alam kung ano ang aking hinahanap. Hindi ikaw ang aking inaasahan, pero ikaw ang pagbabagong handa kong yakapin. Dahil ikaw ang paalala na higit sa plano, darating pa rin talaga ang para sa akin,” mahabang sabi niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko ang tumulo ang mga luha mula sa mata ko papunta sa pisngi ko sa mga sinabi niya. Totoo na ang mga sinasabi niya sa akin ngayon?Totoo bang mahal na niya ako?

“Darrell...” naluluhang banggit ko sa pangalan niya. Kasabay ng tugtog ng violin at bilis ng tibok ng puso ko ay narinig ko mula sa bibig niya ang salitang hindi ko inaasahang na sasabihin niya sa akin.

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon