Chapter 24

163 5 2
                                    

KABANATA 24

JEZELLE'S P.O.V.

PINAGMASDAN niya ako habang naghihilamos ng mukha, hindi pa rin maalis ang pag-aalaga sa mukha niya.

“Hon, dalhin kita sa hospital?” tanong niya. Umiling ako.

“Hindi na.” Ngumiti ako sa kanya ng pilit. “Maayos lang ako, Hon. Normal lang daw ang paglilihi at pagduduwal sa umaga, sabi na rin ni Tita Elaiza sa text niya sa akin,” pangungumbinsi ko sa kanya.

“Bakit parang mas matindi yata ngayon ang pagsusuka mo?” kunot ang noong tanong niya. Napailing ako.

“Hindi ko alam baka dahil kambal. Huwag ka ng mag-alala.” Napangiti siya bago ako muling inalalayan hanggang sa makarating uli kami sa kama.

“Sige na, mahiga ka muna.”

“Hindi na, anong oras na ba? Hindi pa ako nakakapag-luto ng agahan natin.”

“Hon, huwag mo ng isipin iyon.”

“Hon, baka malate ka. Hindi ako papasok ngayon dahil magpapahinga ako. Sige na, baba na ako para makapagluto, mag-ayos ka na dyan.” Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya at hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang kinikilos niya ngayon.

“Hindi na rin ako papasok ngayon, sasamahan kita rito sa bahay,” seryosong sabi niya.

“Hindi pwede, Hon. Paano ang mga meeting mo sa major investors? Okay lang ako, parte ng pagbubuntis ko iyong ganito sa umaga,” pangungumbinsi ko sa kanya.

“Hindi rin ako mapapakali kapag pumasok ako ngayon tapos alam ko na ganyan ang kalagayan mo. Sabi ni Tita Elaiza, mahihirapan ka sa unang trimester kaya ako nag-aalala, Hon,” mahabang sabi niya.

“Nag-aalala ka talaga sa akin?” parang batang tanong ko.

“Oo naman. Bakit naman hindi? Lalo pa ngayon na may baby na tayo. Hindi ako mapapakali kapag ganyan iyong nararamdaman mo,” paliwanag niya. Napangiti ako at hindi ko mapigilan na yakapin siya.

“Alam ko nag-aalala ka sa akin pero okay lang ako, Hon. Baka nagpapansin lang sa’yo ang babies natin,” sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Lumapad ang ngiti niya bago niya marahang hinaplos ang impis kong tiyan. “Tingin mo?” tanong niya. Tumango ako.

“Oo, pero okay lang ako. Nitong nakaraan nakakaramdam naman din ako ng ganito. Hindi naman nagtatagal at saka tuwing umaga lang sumusumpong.”

“Sigurado ka ba?” Tumango naman ako.

“Sigurado, kaya pumasok ka na sa opisina. Ipaghahanda kita ng almusal mo,” sabi ko sa kanya.

Ilang saglit akong pinatitigan ni Darrell bago siya tumango. “Sige, ihahatid na kita sa baba,” sabi niya.

“Sige.” Dahan-dahan niya akong inalalayan hanggang sa makarating kami sa kusina. “Anong gusto mong breakfast?” tanong ko.

“Pwede bang ikaw?” biro ni Darrell kaya napakagat ako sa ibabang labi ko.

“Darrell! Huwag mong idadahilan na gagawa tayo ng baby dahil mayroon na,” sabi ko sa kanya. Natawa naman siya bago ako hinalikan sa forehead.

“Biro lang. Kahit ano na lang,” nakangiti niyang sabi.

“Okay,” nakangiting sabi ko.

“Sure ka ba na okay ka lang?” tanong uli ni Darrell kaya ngumiti ako sa kanya bago tumango.

“Sige, maliligo lang ako. Sabay tayo kumain,” sabi niya at agad na siyang tumalikod.

Napangiti naman ako bago tumungo sa cabinet ng bigla akong napahawak sa noo ko, biglang umikot ang paningin ko at para akong matutumba kaya muli akong napatingin kay Darrell at tinawag ang pansin niya.

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Where stories live. Discover now