Chapter 14

226 8 6
                                    

KABANATA 14

NAGISING ako na parang may basang something na nakadikit sa labi ko. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang lalaking pinakamamahal ko. Nakapikit siya at ninamnam ang matamis kong labi.

"Di ko alam na pinagnanasahan mo pala ako, Mr. Callib Darrell Buenavilla?" sabi ko na nagpatigil sa kanya sa paghalik sa akin. Nilayo niya agad ang mukha niya na namumula pa. Ang cute.

"H-Hindi, 'no! Bakit naman kita pinagnanasahan, Mrs Jezelle Khaye Calliego-Buenavilla? Wala ba akong karapatan na halikan ka? Saka... Ahmmm... Ano... Ginigising lang kita, ayaw mo kasing magising noong tinatawag kita," pagpapalusot niya. Kaya kahit hindi ako kumbinsido sa pagdadahilan niya ay binalewala ko na lang.

"Nasaan na pala tayo?" tanong ko at sumilip sa bintana ng plane. "Wait. Bakit wala ng ulap dito? Bakit nasa semento agad ang nakita ko?" Napabalikwas ako ng tayo sa upuan.

"Kaya nga kita ginigising. Masyado ka kasing nasarapan sa pagtulog, my future wife. Kaya kita ginigising dahil we're here almost 30 minutes," sabi niya na halata pang nang-aasar. Buti nga ay private plane nila Mom ang gamit namin dahil kung hindi ay kanina pa nabwesit ang piloto sa kakahintay sa aming bumaba.

"Ano pang ginagawa natin dito? Let's go! France! Here I am," excited na sabi ko habang pababa ng airplane at bumungad sa akin ang malamig na temperature ng klima ng bansa.

Mahigit labing-walong oras at labing limang minuto rin ang flight mula Manila to France at ngayon ay nakarating na rin kami rito sa Paris, France.

Pagkarating sa presidential suite namin ni Darrell kung saan kami tutuloy ng isang buwan ay pumunta ako sa veranda niyong hotel room namin ni Darrell. Tanaw ko mula rito ang Eiffel Tower, kita rin ang kagandahan ng siyudad. Naramdaman ko na may yumakap sa akin mula sa likod at pinatong ang ulo niya sa balikat ko. Naramdaman ko rin ang pagdampi ng labi niya sa leeg ko.

"Hindi ka ba napagod sa byahe, Hon?" tanong niya.

"Napagod," maikling sagot ko.

"Pahinga na tayo, Hon. Nakakapagod ang labing-walong oras at lambing-limang minuto na nakaupo lang," reklamo niya. Natawa naman ako ng mahina at humarap sa kanya.

"Sige na nga, pahinga muna tayo bago natin libutin ang buong France," sabi ko at humiga na kami sa kama. Pinaunan niya ako sa malaki niyang braso at ako naman ay nakayakap sa kanya.

"I love you, Hon," sabi niya at dinampian ng halik ang noo ko.

"I love you too," sagot ko.

*****

DALAWANG LINGGO na kaming nandito ni Darrell sa France. Sobrang saya ko na kahit malamig ang klima ng bansa ay kasama ko siyang libutin ang bansang ito na gusto kong puntahan namin ng lalaking mamahalin ako ng sobra at si Darrell ang lalaking 'yon.

Nakaupo ako sa isang bench dito sa Park, naiinis na ako sa nakikita ko ngayon sa harapan ko. Ang sabi niya ay bibili lang siya ng drinks namin pero ngayon ay may kausap na siyang isang babaeng frances. Lalong uminit ang ulo ko ng makita kong nagtatawanan pa sila. Argghh, hindi ko na talaga kaya.

Kinuha ko ang sling bag na dala ko at sinukbit sa balikat ko. Sobrang nang-iinit na ang ulo ko kapag nakikita siyang nakikipagtawanan sa iba. Nagsimula na akong maglakad palayo.

"Hey, Hon, saglit! Hintayin mo ako! Jezelle!" rinig kong sigaw niya pero hindi ko siya nilingon at pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko ng mabilis. Sunod kong naramdaman ay may humawak sa wrist ko at pinaharap ako sa kanya. "Jezelle! Ano bang problema mo?" tanong niya habang hawak niya ang kamay ko.

"Ako pa, ang may problema? Ako pa talaga ang tinanong mo! Subukan mo kayang itanong sa sarili mo kung sino sa atin ang may problema!" galit kong sabi sa kanya at inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa wrist ko.

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon