Chapter 28

136 4 1
                                    

KABANATA 28

DARRELL'S P.O.V.

WEEKS LATER...

Napangiti ako ng magising ako ng maaga at nakita si Jezelle na nahihimbing na natutulog sa tabi ko. Kadalasan kasi ay siya ang unang nagigising sa aming dalawa para unang mag-asikaso sa umaga. Alam ko naman na bumabawi siya ng tulog lalo na at nagdadalang tao siya. Bukod kasi sa dumoble ang kain niya dahil sa paglilihi ay kadalasan ay tulog siya at simula ng pahinto ko muna siya sa pagtra-trabaho ng maglimang buwan na ang tiyan gaya ng pinag-usapan namin ay puro pagtulog ang ginawa niya na okay lang naman dahil buntis siya.

At simula ng magbuntis siya ay tanghali na siya nagigising. Halos sakupin na niya ang kama namin. At simula ng lumaki ang tiyan ay naging malikot na siyang matulog pero okay lang naman iyon sa akin. Lalo pa na madalas ay sumisiksik siya sa akin. Natatawa pa nga ako sa ginagawa niya na halos lahat ng unan namin ay nakapalibot sa kanya lalo na sa tiyan niya na madalas niyang dinadantayan iyon kapag tumatagilid siya.

Inayos ko ang comforter ni Jezelle lalo pa at nakikita ang malaking tiyan niya. Hindi ko lubos maisip na sa isang taon namin na magkasama bilang mag-asawa ay magiging ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko akalain na ganito kasarap sa pakiramdam ang magkakaroon ng asawa at anak. Inayos ko pa ang unan na nakapaligid kay Jezelle pagkatapos ay saglit na yumuko para halikan siya sa noo.

Pagkatapos ay bumaba mula sa ikalawang palapag ng bahay at tumungo sa kusina para magluto ng agahan namin. Doon ay naabutan ko si Manang Elma na kakadating lang mula sa palengke at mukhang mag-aayos na sana ng aalmusalin namin.

“Oh, Hijo, ikaw ang unang nagising? Si Jezelle, nasaan? Nagpabili pa naman ang batang iyon sa akin para paglutuan ka ng agahan,” takang tanong ni Manang Elma habang nilalabas niya ang mga pinamili niya.

“Tulog pa, Manang.” Napangiti ako pagkatapos ay binuksan ang ref, naghanap ako ng pagkain na madalas gustong kainin ni Jezelle sa umaga maliban sa bacon. “Hinayaan ko po muna. Anong oras na rin kasi kami nakatulog kagabi dahil hindi siya mapakali kasi sipa ng sipa iyong mga babies.” Lumapad ang ngiti ni Manang Elma pagkatapos ay mahinang natawa.

“Na'ko! Oo, ganyan talaga! Kapag mas lumaki pa ang sanggol sa mga susunod na buwan. Na'ko! Mas lalong mapupuyat kayong dalawa sa kalikutan nila lalo pa at kambal iyan na lalaki." Napangiti ako sa sinabi ni Manang.

Ilang oras din yata kami magkayakap kagabi habang pareho na nakahawak sa tiyan ni Jezelle. Pinapakiramdaman ang mga paggalaw ng sanggol kung kailan kasi matutulog na si Jezelle ay doon sila nagpakitang gilas.

"Hay! Hindi ko akalain na ang bilis ng paglipas ng panahon. Iyong batang inaalagaan ko lang noon, magiging daddy na ngayon.” emosyonal na sabi ni Manang na ikinatingin ko sa kanya at napangiti ng makita ko ang pagpatak ng luha niya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya na ikinayakap niya rin sa akin.

"Manang, alam ko ilang taon pa bago ka umalis na kung tutuusin dapat pagkatapos ng kasal namin ni Jezelle ay magreresign ka na kaso pinigilan kita kasi malaki ang naging bahagi mo sa puso at buhay ko...namin ni Callie. Itinuring kitang pangalawang ina ko dahil ikaw iyong nandiyan para masabihan ko ng problema na hindi ko magawa kay Mama dahil inaalagaan niya si Callie noon. Ikaw iyong nakasaksi at dumamay sa akin noong mga panahong nagluluksa ako sa pagkamatay ni Callie na hindi nagawa ng magulang ko dahil lahat kami ay apektado sa pagkawala niya na hindi ko naman sila masisisi. Tapos, noong nakaraang linggo na nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan ni Jezelle, pinaintindi mo sa akin ang tunay na kahulugan ng pamilya. Kulang ang isang salamat para pasalamatan ka sa lahat ng nagawa mo sa buhay ko. Hindi matutumbasan ang pagmamahal na ibinigay mo sa akin na kahit hindi mo ako anak ay alam kung itinuring mo akong anak. At malaki ang pasasalamat ko sa Panginoon na binigyan niya ako ng isang taong katulad mo na maalaga. Nagpapasalamat rin ako sa Kanya dahil may pagkakataon pa na makita mo ang mga anak ko." nakangiti at mahabang sabi ko kay Manang na ikinaiyak niya at niyakap ako ng mahigpit.

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Where stories live. Discover now