Chapter 57

195 2 6
                                    

KABANATA 57

“WHAT do you mean?” naguguluhang tanong ko.

“I think, mas mabuti kung bigyan muna natin ng time iyong isa't-isa para makapag-isip-isip. Baka mauwi lang sa wala lahat ng pinaghirapan natin para mabuo ang pamilyang 'to, kailangan muna nating magpalamig ng ulo. Ayoko rin namang nag-aaway tayo, kaya mas mabuti kung lumayo muna tayo sa isa't-isa.” seryosong sabi niya na ikinabagsak ng mundo ko.

“No, Jezelle, huwag naman, oh. Babawi na nga ako sa’yo, 'di ba?” naluluhang sabi ko pero kailangan kong tatagan ang loob ko.

“Darrell, ito ang makakabuti sa atin at sa mga anak natin. Gusto mo bang nakikita nila tayong laging nag-aaway?” tanong niya na ikinailing ko.

“Kahit anong mangyayari, walang lalayo sa ating dalawa. Hindi ko kakayanin na mawala sa’yo at lalo na sa mga anak natin. Jezelle, pwede naman natin itong pag-usapan, kung gusto mo sasabihin ko sa’yo lahat ng nangyari.” pakiusap ko. Pinunasan niya ang luha sa mga mata niya.

“Darrell, nakakapagod na kasi, eh. Laging ako na lang iyong nasasaktan, wala naman akong ginagawa sa'yong masama, pero bakit nasasaktan ako? Bakit kailangan mo akong paulit-ulit na saktan?” umiiyak niyang tanong. Pinunasan ko ang mga luha niya at pinatitigan siya.

“I'm sorry, Hon. I'm very sorry, please. Hindi ko makakayang magkalayo tayo. Sorry kung lagi kitang nasasaktan, hindi tayo magiging masaya kung hindi natin nadadaanan iyong mga pagsubok, 'di ba? Kaya sana huwag ka munang sumuko,” sabi ko at tumulo na ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

“I just need a short time to think,” sabi niya at tumahan na siya sa pag-iyak. “At kapag nakapag-isip isip na ako, huwag kang mag-alala pwede na tayong bumalik sa pagiging masaya ulit,” sabi niya at pilit siyang ngumiti. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya lumabas ako ng kwarto namin ni Jezelle.

Kahit anong pilit niyang palayuin ako ay hindi ako papayag. Naiisip ko pa lang na malalayo ako sa kanila ng mga anak at lalo na sa kanya ay parang gumuguho na ang mundo ko. Ano pa kaya kung totohanan na?

Gagawin ko ang lahat maibalik lang sa masaya ang relasyon namin ni Jezelle. Hindi ko man natupad ang pangako ko na hindi na siya sasaktan, gagawin ko ang lahat huwag lang maulit ulit ang mga nangyayari ngayon. Sobrang natatakot ako na baka iwan ako ni Jezelle dahil sa kagag*han ko. Sa paulit-ulit na pananakit ko sa damdamin ni Jezelle, this time may paninindigan na ako.

Hindi ko kayang mawala sa akin ang mga anak ko at lalong lalo na si Jezelle, ang babaeng pinakamamahal ko.

*****

JEZELLE'S P.O.V.

NARAMDAMAN kong may humaplos sa pisngi ko kaya minulat ko ang mga mata ko at si Darrell pala. Agad naman akong napabangon para hindi siya makita. Bakit ba ang kulit niya? Sabi ko bigyan niya ako ng time para makapag-isip, pero ito siya ngayon at kukulitin ulit ako. Sa ginagawa niya mas lalo akong napupuno sa kanya.

Isang linggo na ang nakalipas. At mula nang araw na sinabi ko kay Darrell na gusto ko muna ng time, lagi niya akong sinusuyo at kung ano ano ang mga binibili niya sa akin pero hindi ko siya kinikibo. Naiinis ako, nagiging ganoon lang naman siya kapag may nagawa siyang kasalanan at ayoko ng gano’n.

“Jezelle, mahal mo pa ba ako?” his question caught me off guard. Hindi ako nakaimik. Mahal ko naman siya eh, mahal na mahal pero kailangan lang talaga namin ng time para huwag na maulit ang mga pananakit niya sa akin emotionally.

“Mukhang hindi ko na kailangang itanong dahil base sa ekspresyon mo ay nakikita ko na iyong sagot.” malungkot niyang sabi.

Ayoko ng ganito kami, nasasaktan ako. Pero mas mabuti kung pag-iisipan namin ang mga bagay na nagbibigay ng problema sa relasyon namin.

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Where stories live. Discover now