Chapter 33

148 4 2
                                    

KABANATA 33

“BALANG araw, ano?! Magtagumpay kayo sa mga pinaplano niyo?” galit na sigaw ni Darrell kay Jarrett na nagpupunas ng dugo sa labi nitong pumutok dahil sa suntok ni Darrell. Nagtataka ako dahil sa sinabi ni Darrell. Hindi ko maintindihan kung bakit nagagalit ngayon si Darrell. At kung saan niya nakuha ang bagay na sinasabi niya.

“Mr Buenavilla, let me explain,” wika ni Jarrett bago tumayo pero bago pa man siya makatayo ng tuluyan ay isang suntok ulit ang ginawa sa kanya ni Darrell dahilan para mapasigaw na ako sa takot na mapuruhan ng asawa ko si Jarrett.

“Ano? Sabihin niyo? Ginagawa niyo ba 'to dahil may plano ka?” Napatingin si Darrell sa akin na nakatakip sa bibig ko. Napaatras ako ng matalim at parang papatay siya nv tao kung makatingin sa akin na ikinanginig ko sa takot. “At ikaw, kailan mo pa ako niloloko, Jezelle?” Napailing ako bago sinubukan na lapitan siya pero lumayo siya sa akin.

“Hindi kita maintindihan, Darrell.” naguguluhang sabi ko sa kanya na ikinangisi niya.

“Huwag na kayong magmaang-maagan pa. Umamin ka nga, Jezelle? May relasyon ba kayong dalawa?” Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Iniisip ko na maaring nagseselos siya dahil nakita niyang yakap-yakap ko si Jarrett pero nagkakamali siya dahil wala namang namamagitan sa aming dalawa ni Jarrett.

“Darrell, wala. Mali ang iniisip mo, kaibigan ko lang si Jarrett.”

“Kaibigan? O ka-ibigan?”

“Kaibigan ko lang siya at iyon ang totoo. Mali ang iniisip mo, Darrell. Wala kaming ginagawang masama. Walang namamagitan sa aming dalawa.” Napatahimik si Darrell bago sakrastikong natawa.

“Sa tingin mo, maniniwala ako?”

“Maniwala ka sa akin, Darrell, kasi totoo ang sinasabi ko. Walang namamagitan sa aming dalawa.” Napailing si Darrell bago napasapo sa mukha niya.

“Hindi ko na alam, Jezelle. Hindi ko na alam kung paniniwalaan pa kita.”

Napahawak at napahimas ako sa tiyan ko dahil ayokong magpa-apekto sa tensyon na nararamdaman ko para hindi madamay ang mga anak ko pagkatapos ay dahan-dahan na lumapit kay Darrell pero agad din naman siyang lumayo.

“Akala ko ba kilala mo ako?”

“Iyon din ang akala ko, Jezelle. Akala ko kilala na kita pero sinungaling ka. Pinagmukha mo akong tanga.”

Hindi ko napigilan ang sariling emosyon at sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Bagaman ay pinanatili kong kalmado ang sarili ko pero hindi ko mapigilan ang emosyong nabubuo ngayon sa dibdib ko. Kailangan kong ayusin ito. Kailangan kong magpaliwanag ng maayos. Lalo pa mali ang inaakala ni Darrell.

“Darrell, hindi totoo iyan. Wala kaming relasyon, hindi kita niloloko.”

“Talaga ba? Sige. Sabihin na natin na wala kayong relasyon pero sinungaling ka pa rin, Jezelle. Isang bagay lang ang hinihingi ko sa’yo at iyon ay ang sundin mo lahat ng pinag-uutos ko. Na huwag na huwag kang magsisingungaling sa akin pero ano? Wala.”

“Darrell, hindi.”

“Alam ko. Hindi ako umimik pero nagdahilan ka. Umalis ka sa bahay na ito, 'di ba? At sino ang kasama mo? Siya? Siya ba, Jezelle? Huwag ka ng magdahilan pa dahil alam ko na nagsinungaling kayo ni Manang Elma sa akin.” Umiling ako bago niyakap si Darrell.

“Hindi sa gano’n, Darrell. Umalis ako kasi gusto kong makita sila Mom at Dad.”

“Pero sino ang ang kasama mo? 'Di ba, siya?” Napayuko ako.

“Mr Buenavilla, listen to Jezelle. Mali ang hinala mo, walang--” singit ni Jarrett pero hindi siya pinatapos ni Darrell.

“P*t*ng*na, huwag kang sumagot dito dahil hindi ikaw ang kausap ko.”

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz