Chapter 16

189 6 2
                                    

KABANATA 16

PAGMULAT ko ng mga mata ay ang gwapong mukha ng natutulog kong asawa ang bumugad sa akin. Agad ko siyang dinampian ng magaang halik sa labi bago tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin at bumangon para pumuntang bathroom at nagshower.

After kong magshower at magbihis ay bumaba na ako sa unang palapag ng bahay para pumunta sa kusina. Agad kong nakita si Manang Elma, ang nag-alaga kay Darrell at Callie simula ng mga bata pa ang mga ito.

"Oh, Hija, ang aga mo naman yatang magising," sabi ni Manang na magluluto na yata ng breakfast namin.

"Ako na po ang magluluto ng breakfast, Manang. At saka, hindi pa po ba kayo nasanay sa akin, simula ng ikasal kami ni Darrell ay palagi na akong gumising ng umaga para magluto ng breakfast namin," nakangiting sabi ko habang kumukuha ng lulutuing breakfast sa ref at saka sinimulan ang pagluluto.

"Mahal mo talaga ang alaga ko. Hindi nagkamali si Darrell na ikaw ang pinili niyang mapangasawa. Ikaw lang ang babaeng nagmahal ng totoo sa kanya," sabi ni Manang.

"Mahal na mahal ko talaga si Darrell, Manang. Ang swerte ko dahil nagkaroon ako ng asawang may respeto at hindi agad hinihiling na magkaanak agad kami."

"Hindi na ako nagtatataka kung bakit hindi ka pa buntis ngayong dalawang buwan na kayong kasal," sabi ni Manang na ikinangiti ko dahil totoo naman. "Magdidilig na lang ako ng halaman sa garden. Maiwan na kita rito, Hija." Tumango na lang ako at pknagtuonan ng pansin ang niluluto ko.

Sa dalawang buwan na maging mag-asawa kami ni Darrell ay tinototoo niya ang sinabi niya noon na hindi niya ako pipiliting makipagmake-love sa kanya hangga't hindi pa ako handa. Sa dalawang buwan namin pagsasama bilang mag-asawa ay pinaramdam niya sa akin araw-araw ang pagmamahal niya sa akin, pagpapahalaga at importante ako sa kanya higit sa anumang bagay na mayroon siya.

Naramdaman kong may biglang yumakap ng mahigpit sa akin mula sa likod at naramdaman ko rin ang pagdampi ng labi niya sa gilid ng leeg ko bago niya pinatong ang baba niya sa balikat ko.

"Ang bango ng asawa ko," mahinang sabi niya. Humarap ako sa kanya dahil tapos na rin naman akong magluto.

"Ikaw nga rin, eh," sabi ko sabay halik ng mabilis sa labi niya at niyakap siya at binaon ko ang mukha ko sa dibdib niya.

Well, ang bango niya talaga. Gamit niya ang pabangong binili namin sa Paris. Sabi ko kasi sa kanya ay araw-araw niyang gamitin 'yon dahil kung hindi ay hindi ko siya hahalikan. Nakasuot na rin siya ng formal attire, same kami.

"Tapos ka na bang magluto?"

"Yes. Why? Nagugutom ka na?" tanong ko bago bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. Ngumiti siya ng malapad at alam ko na ang ibig sabihin no'n. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa dining table at pinaupo. Umupo rin siya sa tabi ko.

"Prepare our breakfast," utos niya sa dalawang maid na kakapasok pa lang dito sa dining area.

"Opo, Sir Darrell," sagot ng dalawa at nagsimula na silang kumuha ng plato at mga kubyertos.

"Ako na dapat maghahanda ng breakfast natin, eh," nakasimangot na sabi ko sa kanya.

"Hindi, ayokong napapagod ang misis ko. At saka, ano bang silbi ng mga katulong nila Mama rito kung ikaw ang gagawa ng lahat? Sapat na sa akin na ikaw ang magluto ng agahan. Masarap ka kaya magluto, lalo na kapag ikaw ang nagluto ng paborito kong Caldereta," nakangiting sabi niya at may pataas-taas pa ng kilay niya.

Napangiti naman ako. Naalala ko ng tanungin ko si Mama (Mama ni Darrell) kung anong gusto ni Darrell no'ng panahon na nag-away kami ni Kuya Jeremy at dito ako sa kanila tumira.

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Where stories live. Discover now