Dear Ma, Kung Pwede Ka lang Ibalik

34 2 0
                                    

December 01, 2020

Dear Ma,

Sabi ko last entry ko na yung last chapter pero hindi ko lubos akalain na darating yung araw na to, yung araw na pinakadesperado akong ibalik yung oras, yung mga araw at yung panahong normal pa ang lahat.

Masakit sa dibdib at sa isip na wala ka na talaga, na paggising ko ng umaga wala ka na sa labas ng balcony  nagpapaaraw, wala ka na, manghihingi ng kape o lemon juice. Andami kong pagkukulang, andami nating plano, pero hindi na kinaya ng katawan mo.

Ma, mahal na mahal kita. Hindi ko makakalimutan yung boses mo, yung higpit ng kapit mo, lahat-lahat.

Sabi nila may rason lahat pero ang sakit. Maisip ko lang yung mga pinagdaanan mo this past few days, sobrang sakit.

Sabi nila wag magtanong, pero di ko maiwasan, bakit si mama pa?

Sa kada dalaw ko sayo lagi kong sinasabi na andito lang kami, pero ano??? Dahil sa sitwasyon, sa buong bente kwatro oras ng natitira mong araw, dalawa lang yung atin. Isa sa umaga, isa sa gabi, the rest puro makina, gamot, doctor, at nurse, na mismong sila sa salamin lang din naman nakatingin.

You fought hard mama, alam namin yun, I remember your desperate eyes looking at me na sana may oras pa tayong dalawa, na sana andun lang ako sa loob pero dahil sa lintek na protocol wala tayong magawa.

I've never heard you say it's painful. Laging hindi yung sagot mo, kasi alam kong ayaw mo kaming nakikita kang nahihirapan. Ma, kung pwede lang talagang saluhin lahat ng pain mo that time, kung pwede lang in instant sakin na lang itusok yung swero, sa ilong ko na  lang ipadaan yung pagkain, at sa bibig ko na lang isalpak yung tubo para sa hangin na kailangan ng baga mo. Sana pwede yun, sana ganun na lang yung set-up ng mundo, kaso hindi ma.

Hindi ganun. Malupit ang mundo, makasalanan ang mga tao at hindi lahat ng gusto natin ibinibigay.

Alam ko ma, hindi ka perpektong tao, pero sa lahat ng taong kakilala ko ikaw yung pinaka-strong, pinaka-understanding, at ikaw lang talaga ang mama ko. Walang tutumbas sayo ma, wala talaga.

Alam ko lilipas lang ang araw, buwan o taon, matatanggap ko rin pero sa ngayon hindi ko alam.

Sa Diyos na lang ako kumakapit, pilit kong nilalagyan ng dahilan ang mga bagay na hindi katanggap-tanggap. Pilit kong binibigyan ng rason ang mga nangyari.

Siguro ganito talaga, eto talaga yung unang hakbang para mag-heal.

Lord, hindi ko man mahanap yung rason sa tanong na 'bakit' sa ngayon, alam ko asa kanlungan mo na si mama.

Lahat ng tanong at wonders ni mama patungkol sayo ay nasasaksihan na niya, kaya marami man akong tanong sa ngayon, nagtitiwala pa rin ako sayo at sa mga plano mo para sa akin at sa buong pamilya ko.

Kung sinubaybayan mo ang librong to, sa huling kabanata naibahagi ko na ang naging hirap ko abroad.

At habang sinusulat ko to, taos puso akong nagpapasalamat na nakauwi ako, at least kahit papano, kahit mikli lang, nakasama ko ang mama kong malakas pa siya.

Nakasabay kong kumain, nakasabay kong magdasal, nakasabay kong matulog, at kahit  papano, nabantayan kita sa maiikling minutong binigay sa atin habang naghihirap ka. At least ma, naparamdam ko naman na andito kami diba?

Andaya mo, ayaw mong magpakita sakin. Alam mo namang hindi ako takot kahit saan, ilang beses akong gumigising sa madaling araw maramdaman ka lang, siguro nga ayaw mo kong dalawin kasi I'm still in pain.

Wag kang mag-alala, malalagpasan din namin to. Lahat ng nag-mamahal sayo, malalagpasin din ang pagkawala mo.

Mahal na mahal kita ma, mahal na mahal kita.

Ang batang galing sa iyo, at para sayo lamang,

LEN

RESET 2019 [COMPLETE]Where stories live. Discover now