Bakit Bilog ang Mundo

53 3 0
                                    

June 5, 2019

May nabasa ako dati tungkol sa tunay na hugis ng mundo. Sabi sa libro 'oblate spheroid' daw ang tunay nitong hugis, hindi perpektong bilog, kundi isang pahigang donut. 

Nakakatawa diba? Pero kahit ano pang tawag mo sa hugis na iyon, bilog pa din, hindi nga lang perpekto. Bilog na walang umpisa, at walang katapusan. 

Ngayon ko lang din napagtanto na ang buhay natin bilang manggagawa ay di rin perpektong bilog pero, masasabi mong bilog pa rin. Isipin mo ha, nagta-trabaho ka para sa serbisyo ng iba, at sila din para sa serbisyong kailangan mo. Magta-trabaho ka sa loob ng isang buwan para makuha ang sahod na gagastusin mo rin bilang isang consumer na pinagsisilbihan din ng iba para sa isang buwang sahod nila para sa sarili nilang gastusin. Paikot-ikot lang ang serbisyo, at paikot-ikot lang din ang pera. 

Lahat na lang umiikot lang. 

Bilang tayo ng bilang ng oras, araw, lingo, buwan at taon, na para bang talagang may nagbabago, pero hindi. 

Lahat tayo pati ang mundo ay umiikot-ikot-ikot-ikot lang, hanggang sa mapagod at huminto. 

Ang pagtanda ay hindi talaga pagtanda, eto ay dahil lang sa pagod, pagod sa paikot-ikot mong buhay araw-araw. Hanggang sa isang araw, katawan mo na mismo ang bibigay sa ikot na ito.

Siguro matibay lang talaga ang mundo dahil hanggang ngayon patuloy pa rin tayong nagigising sa bagong umaga, pero tulad ng tao at iba pang hindi inaasahang pangyayari, isang araw titigil ang ikot, at kung buhay ka pa sa oras na yaon, malas mo na lang dahil mararanasan mo ang katapusang maski sinong buhay ay hindi pa nararanasan.

RESET 2019 [COMPLETE]Where stories live. Discover now