Balik! Sa mga Araw na Kadiri ka pa

26 2 0
                                    

JULY 23, 2019

Naalala mo pa yung mga araw na marami pang insektong nakakalat sa bakuran niyo at tuwang-tuwa kang nilalaro sila sa tuwing ikaw ay naiiwang mag-isa?

Namimiss mo ba yung lupa na may maliliit na bulkan na siyang bahay pala ng mga langgam? Lagi mo pa ngang dinudut-dot yun ng ting-ting sabay pagmamasdan ang maliliit na kawawang langgam na nagpapanic.

Hindi ko ba alam sa ibang bata kung bakit trip nila ang mga ganitong bagay? Minsan pa sa loob ng bahay niyo kapag napapansin mong anjan nanaman ang mga itim na langgam na nagmamartya , gamit ang daliri mo lagi mong pinuputol ang daanan nila at pinagmamasdan kung ano ang mangyayari sa lupon nila.

Napakasama diba? Pero hindi lang yan, nagpuputol ka rin ng pakpak ng tutube o kahit anong insektong may manipis na pakpak, siguro nga ito ang dahilan kung bakit hindi na sila naglalalabas ngayon. Pati gagamba kinukulong mo sa lalagyan ng palito, tapos ilalabas mo kapag nag-aya yung kapitbahay mo ng, 'laban na!'.

Naalala meron akong kaklase noong elementary, gustong-gusto niya ang mga uod, lahat ng uod! E sa eskwelahan namin hindi siya maka-bungkal ng lupa, tanging yung mga kalahi lang ni hulk ang nakikita niya sa mga puno na nagiging paru-paru di kalaunan. Lagi yun! Lagi siyang may caterpillar na gumagapang sa daliri niyang habang nagsusulat, nagbabasa, at habang kumakain. Masama pa minsan pag-nanggigigil siya pinipisat niya! At tuwang-tuwa siya sa kulay berdeng dugo na nakikita niya. Hashtag, sobrang kadiri. =_=

Kung naging matalino lang sana ako nung bata ako, at maagang namulat sa pagiging concern sa mundo edi sana nasabihan ko siya na masamamg pumatay ng kahit anong may buhay kahit ba hindi natin kawangis.

Tapos ang pinakamalala pa atang kadungisan ayon sa aking alala e yung pagka-adik ko sa lupa. Hindi ko ba talaga alam kung anong meron sa utak ko sa mga panahong yan, at trip ko talaga ang putik, alikabok, at kahit anong bagay na madaling nasisira ng kamay ko.

Ayon nanaman sa syensya, normal ang mga ganitong bagay sa edad na 4-10. Sa madaling salita titigil lang to hanggang sa tumuntong ka ng kalandian.

Pero ewan ko ba talaga, yung akin extended hanggang sa tumuntong akong kolehiyo. 😂

Jk.

RESET 2019 [COMPLETE]Where stories live. Discover now