Merry XMAS! Away from Home

17 1 0
                                    

DECEMBER 26, 2019

Hindi naman lingid sa inyong kaalaman na isa akong OFW na puno ng stress sa katawan. Wala pa akong trenta at matanda man sa iba, pero asa edad lang ako ng bente dos noong iniwan ko ang aking bansang sinilangan.

Mahirap at masakit sa dibdib ang umalis at iwan ang mga mahal mo sa buhay para lamang sa sarili mong ambisyon, pero wala e, kabilang ako sa milyong-milyong kabataan na pilit nagmamadali na kumita ng pera upang magtagumpay sa buhay, sa madaling salita, 'ambisyosa.'

Akala ko noon eto na ang pinakamadaling paraan para umangat. Kinukumpara ko pa ang pagitan ng kita sa Pnas at dito ng hindi iniisip ang mga paunang gastusin. Akala ko kasi madali lang mabawi, babalik din at mabilis lang ang araw.

Pero tulad ng sabi ni Chito sa kanta, isa rin ako sa mga taong nabulag ng akala. Akala na di ko akalaing bahagya kong pagsisihan sa huli.

Madalas kong sabihin sa sarili ko na, 'Li, walang sisihan! Desisyon mo yan, panindigan mo.' pero sadyang mapagbiro ang damdaming ibinigay sa atin ng Diyos, kasi kahit gaano mo paniwalain ang sarili mong okay lang ang lahat, lagi pa ring dumarating yung oras o mas masakit yung araw na gusto mo na lang bumalik sa umpisa, para baguhin ang lahat. 

Parang ngayon, pasko, wala ako sa bahay, malayo sa pamilya, malayo sa mga mahal ko, eto nanaman ako, sa akala. Akala ko kasi masasanay din ako, akala ko kapag tapos na yung anim na buwang home sickness tapos na, di ko na mararamdaman, pero wala nanaman nagsabi sa akin na ganito pala. Napaka-sakit, kulang ang luha, hagulgol para imbsan yung pait ng pusong nangungulila. 

Minsan iniisip ko na lang na maswerte ako't wala pa kong anak, dahil kung meron, hindi ko lubos maisip kung paano ko pa isu-survive yung isang araw lang na wala siya. 

Nakakayamot na wala kang magawa, nakakainis na ang tanging solusyon ay pera. Noong studyante pa ako, sabi ko ayokong magpatali sa mga papel at metal na yan, pero ano? Andito na ko't hinahayaang masaktan ang sarili ko para lamang sa pangarap na kung tutuusin hindi ko kaylangang madaliin. 

De bale ayos lang, hindi naman permanente ang lahat. Alam ko, darating din yung araw na makakasama ko ulit sila, kasi wala naman akong ibang uuwian kundi siya.

Mahal kong Pilipinas, maghintay ka lang, sa iyo pa rin ako babalik at uuwi. 

RESET 2019 [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon