Dahil Sa Paborito Kong Anime

28 3 0
                                    

June 4, 2019

Pagnamatay ako kinabukasan, sigurado akong may tatlong babaeng halos kasing ka-edaran ko ang iiyak ng mas malala pa sa nanay ko sa tapat ng kabaong ko gabi-gabi. Sila yung mga taong hindi ko kadugo pero parang mas malalim pa sa kapatid ang turingan namin sa isa't-isa. 

Naniniwala ako na natural na 'selfish' ang mga tao, at kahit bali-baliktarin mo man ang mundo, sa panahon ng kagibitan, sarili pa rin ang tanging ililigtas nila. Siguro may iba uunahin yung anak, tatay, nanay, kapatid, o kaibigan, pero hindi ba pakana lang naman yun ng konsenya natin bilang tao? 

Gusto natin sila dahil gusto natin sila para sa atin. Inuuna ko siya dahil ang pag-una sakanya ang nagpapaligaya sakin kahit ikamatay ko pa. At alam mo kung ano pa yung masarap sa pakiramdam? Yung maging selfish din sila sayo, yung tutumbasan nila kung ano yung ibinibigay mo, hindi dahil sa gusto mo pero dahil yun din ang gusto nila. Kaya nga maraming na-aadik sa pag-ibig kasi parehas kayong may binibigay sa isa't-isa. 

Parehong rason kung bakit gusto nating may kasangga tayo maliban sa pamilya lang. Sila yung tinatawag mong kaibigan, barkada, tropa, etc. Mga taong gustong maging selfish sayo na hindi ka kayang pakawalan pag-namatay ka. 

Ang saya nga naman kasi talaga makahanap ng mga taong may kapareho mo ng hilig kahit na hindi kayo pare-parehas ng talino, ang sarap sa pakiramdam na hindi ka pala nag-iisa sa pangarap mong akala mo ikaw lang ang merong pangarap. 

Nung una akong naging taga-hanga akala ko hindi ako normal, akala ko ako lang yung ganito, tipong wala akong ibang iniisip kundi anime, kanta, gitara, palabas, buong araw hanggang gabi, hanggang sa pag-gising ko ulit kinabukasan. 

Akala ko ako lang.

Pero sila din pala. 

Ang tao ay hindi lang natural na makasarili, natural din tayong parasite. Parasite tayo sa mundo, sa hayop, sa halaman at sa kapwa natin tao. Oo, pangit pakinggan, pero ganun talaga, dahil lahat tayo gusto lang naman maging masaya at mahanap ang tunay na rason ng buhay. 

Saya at rason, kaya ka may pamilya at kaibigan, dahil kung wala... Ngayon palang hindi mo na gugustuhing mabuhay. 

Sabi nung hineral sa paborito kong anime na kakatapos ko lang panoorin kanina, at ng batang si Baek Dongsoo, wala naman talagang marangal na kamatayan. Mamatay kang walang kwenta, pataba sa lupa, at kahit maalala ka pa ng mundo sa mga mabuting ginawa mo, hindi pa rin mawawala ang realidad na hanggang doon ka na lang, tapos ka na. Patay ka na. 

Sabi sa simbahan sa huling misa ko, buhay daw si Hesus hanggang ngayon at kailangan nating maniwala kahit anong mangyari dahil siya lang ang mortal na nabuhay muli pagkatapos mamatay at umakyat sa langit para lang umupo sa kanan ng ama. 

 'Mapangahas ang taong nagtatanong.' Pero bakit nga ba? Bakit nga ba takot tayo sa katapusan? 

At bakit patuloy na gumagana ang utak ng tao?

Bakit niya hinayaang ganito?

Bakit niya tayo biniyayaan ng kakayahang mag-isip?

Bakit ginawa niya ang mundo?

Dahil ba tayo ang kaligayahan niya?

Hindi na rin ba niya mapigil ang pagiging makasarili? Tuwang-tuwa siguro siya na makita ang mga taong nababaliw kaiisip dahil sa utak na ginawa niya. 

Siguro nga 'utak' ang pinaka-mahusay niyang imbensyon bilang Diyos. Utak na hindi niya rin naman ginawang pantay-pantay. 

Utak na lagi na lang nagtatanong, at gumagawa ng kung ano-ano. Kaya ako, hindi ko rin mapigil hindi maniwala sa Alien kasi parang kung tayo lang talaga ang meron sa Universe, sinong sasagot sa mga tanong natin? Dapat meron, kasi kung wala talaga...

Ibigsabihin kailangan lang nating tanggapin na palamuti nga lang tayo ng mundo. 

Na wala naman talagang saysay ang mabuhay.


RESET 2019 [COMPLETE]Место, где живут истории. Откройте их для себя