Chapter Fourteen -- Observe muna... POSITIVE!

Magsimula sa umpisa
                                    

“Nanliligaw ba sayo si Vince?” Abnormal ‘to? Tama bang itanong yun? Pwede namang ‘Nagka-boyfriend ka na?’ ang itanong nya.

Ayan tuloy, mukhang nairita sa tanong. Pero hindi naman siya galit. Pabiro pa nga niyang sinagot yung tanong kaya lang mukhang ayaw niya talaga yung ganung klaseng tanong…

“Chillax Babe. I’m just asking.” Nagpanting yung tenga ko nang marinig kong tinawag niyang babe si Anne. Pero imbis na mainis natawa na lang ako sa reaksyon ng mukha nya. Ang cute nya tignan. ^^

“Stop calling me babe!”

Napansin na ata nung 2 na nananahimik ako.

“Ui! Magsalita ka naman jan.”

“Wala naman akong sasabihin eh.” Sheez… I think I changed the atmosphere. Bakit biglang naging serious yung tono ng pananalita ko? Pero wala naman na talaga kasi akong masabi eh.

Natapos ang break time na sila na lang ang nag-uusap, ako nakikitawa na lang. bumalik na rin kami sa classroom. Pagpasok namin sa loob…

“WHAT?! Wala na naman si sir?”

Classmate 1: “May important meeting na naman daw eh.”

C 2: “Group Dynamics na lang daw.”

“Ano namang gagawin? May topic bang binigay?”

C 1: “Wala naman…. Bahala raw tayo. Basta wag lang raw masyadong magulo.”

“I know what to do.” Tumakbo na ko papunta sa music room tapos hiniram k okay Ms. Celine yung acoustic guitar tsaka yung beat box. Pagbalik ko sa classroom…

Classmates: “JAMMING! JAMMING!”

“Ssshhh…”

“Rock on!” Si Anne na yung pinag gitara ko tapos ako na yung nagbeat box. May alam naman ako kahit papano eh. Ang halay naman kasi kung si Anne yung magbi-beat box kasi nakapalda siya. Ayun lang naman ang ginawa namin sa buong isang oras. Ayos lang. Masaya naman eh.

Natapos na yung klase. Yayayain ko sana si Anne manuod ng practice namin, kaya lang bibisitahin nya pa raw si Vince. Kaya nag decide na lang akong…

“Anne, hatid na kita.”

“May practice pa kayo diba?”

“6 pa naman yun eh. Meron pa namang 2 oras.”

“Ok. Since I already rejected your first invitation. This time, I’ll accept it.”

AYOS!!!

ANNE’s POV

I can’t still believe it! Magkasama na kami the whole day tapos ngayon ihahatid nya pa ko? Eto na kaya talaga yung sinasabi ni Gelo?... Hindi… hindi… Observe muna. OBSERVE…

Kumatok na ko pero walang sumasagot. “Tara pasok.”

“Kala ko ba kina Vince tayo?”

“Oo nga.” Nagtataka siguro to kung bakit dire-diretso akong pumasok… “Ganito talaga kami eh. Hehe…”

“Ah… Nice.”

 ...

...

“Kala ko ba may sakit ka? Eh bakit naglalaro ka lang jan? kaya pala di mo ka naririnig eh. Kumain ka na ba?”

“Teka teka…. Isa-isa lang. Daig mo pa si mama manermon eh. Medyo ok na ko. Naglalaro ako coz I’m bored. And kumain na ko ng lunch, meryenda, hindi pa. binilhan mo ko noh? Thanks Baby --…” Tinakpan ko na yung bibig nya before he said that word.

“Anne?”

Hala! Nakalimutan kong nasa sala pala si Jared.

“Sino yun?”

“Si Jared.” Tumingin na naman siya sakin and smile an evilish smile. “I know what you’re thinking. I’ll tell you the whole story later. Tara baba na tayo.”

G: “Ui pre!”

J: “Musta na?”

G: “Eto magaling na. marami naman ba kong namiss?”

J: “Wala naman masyado, yung group dynamics lang kanina.”

A: “Nag-jamming kami. V^.^ wala na naman si sir kanina eeh.”

J: “Sayang wala ka. Ang saya pa naman kanina. Si Anne yung naggitara.”

G: “Awww…. Sayang naman.” Owww… Story telling time. Part 1.

J: “Ui pano? Una na ko. May practice pa eh.”

G: “Sige pre, salamat.”

A: “Salamat sa paghatid ah. Next time na lang ako manunuod ng practice nyo.”

Hinatid ko na siya sa may gate. Nung papalapit na ko sa may pinto…

“Baby Claire, you owe me an explanation.” Geez… scary… nakasandal siya sa may pinto. Yan na naman yung evilish smile nya. Nagkasakit ba talaga to? Story telling time part 2 naman.

“So, how’s your day?” He smirked.

“It’s super duper fine. =))”

“I know. Halata naman sa mukha mo eh. So what happened?”

“Everything you wanted me to observe, karamihan dun nangyayari na.” At nagkwento na nga ako sa kanya ng mga nangyari sakin the whole day.

...

...

“What does that mean? Should I expect from it?”

“The way I see it… POSITIVE! May gusto siya sayo.”

“Pero Gelo, ayokong umasa. Masasaktan lang ako.” Binatukan nya ko.

“Sinabi ko bang umasa ka?Ayaw mong mag-first move kaya dapat maghintay ka kung meron bang dapat ipagtapat sayo. XD”

“Aw! You’re so mean… XP” Tapos tumawa na lang kami bigla.

Umuwi na rin ako pagdating nina Mama V. nabigay ko na sa kanya lahat ng photocopy ng notes ko at nakagawa na rin kami ng assignment.

Monday na naman, nalipasan na naman ako ng weekend nang hindi ko namamalayan… isang linggo na pala ang nakakalipas after nung exam. Regular classes na talaga. Wala nang balak magpetix yung mga teachers namin kasi baka dumagsa na naman ang sang katutak na mga school activities. Sila rin kasi ang nahihirapan sa paghahabol ng klase eh. Kami naman, eto. Ngarag na ngarag. Umpisa pa lang yan ng 2nd period ng school year ah… pano pa kaya kapag 3rd o 4th na. lalo siguro pag 4th kasi mauuna kaming mag-take ng major exams kasi nga graduating.

“…the symbols Q1 and Q2 in the Coulomb's law equation represent the quantities of charge on…” <knock knock> nag-excuse sa klase yung vice principal namin.

“ANNOUNCEMENT!”

In Search (It All Starts Here) - PUBLISHED under LIB CreativesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon