Chapter Twenty Six -- Just a favor

12.3K 118 20
                                    

CHAPTER 26

Ikinapula naman ng mukha ko yung nakita ko…

I know that picture!!!

Nakita ko na yan!

Nagpalakpakan naman yung mga tao, yung iba naman naghiyawan at ang malala, yung iba, tumingin sa direksyon ko…

Gusto ko na talagang magpalamon sa lupa…

‘Lord… kunin nyo na ko…’

Joke lang po yun pero, gusto ko nang maghukay ng sarili kong libingan. TT^TT

OA na kung OA. Pero ikaw ba naman makita mo yung stolen picture mo na nakaprint sa malaking papel, photo paper I mean, na dinisplay lang naman sa buong high school, sinong hindi mahihiya?! And the worse part is, yun yung ginawang entry ni Gelo sa contest. At worst, akalain mong nag-first place yun? Heck! Worst nga ba dapat?! Worst siguro kasi kahihiyan ko yung nakasalalay dun but still he owe me a lot! ^^

Naalala nyo ba yung picture na pinakita nya sakin before na tinawanan nya talaga ng sobra?

The picture that I was dazzlingly following my stares at Jared habang palakad siya papunta sa mga ka-crew nya. (refer to CHAPTER 21, yung isa sa mga pictures na pinagtatawanan ni Gelo.^^) Mukha na ngang mababali yung leeg ko nun sa picture eh. That’s it! Yan lang naman yung entry nya at ang title pa ‘Love at First Sight’, at kasasabi lang ng MC, yung theme daw pala nun ay about sa kinds of love.

Grrrr!!!!!!!!!!!!! Somebody drag me outta here! PLEASE!!! Para na nga akong kiti-kiti at naghahanap ako ng lalabasan ko nang hindi nila napapansin. Kaya lang, panong hindi mapapansin eh lahat na nga yata sila nakatingin na sakin.

“So, Mr. Wilson… Can you tell us more details about your entry entitled ‘Love at First Sight’?” Paulit-ulit? Kailangan bang sabihin yung title ng paulit-ulit?

“Uhm… The picture tells you so…” Nahanap na ko ni Gelo nun at nakatingin na siya sakin ngayon. Tinitigan ko na siya ng masama at sinenyasan ko naman siya nang parang uupakan ko na siya. At malamang nga gawin ko yun mamaya.

“Not all the people here could see it’s meaning at first glance. Like me. Just explain a bit.”

“Ah.. Erm… T-This is actually my b-best-fr-friend’s stolen shot while doing her i-i-interview…” Inangat ko ulit yung kamao ko para  i-signal na maghinay-hinay siya sa mga sasabihin nya.

“I don’t have any idea on what kind of love I wanted to portray. Limited yung area na pwede naming pag-kuhanan ng picture at hindi rin ganun karami yung tao sa venue para gawan ng magandang shot.” Nagpatuloy lang siya sa pag-eexplain niya…

“In taking pictures, hindi lahat pwede mong i-manipulate para makuha mo yung natural na expression na gusto mong ipakita o ipalabas… it just comes naturally… at halata sa picture if it is real or made up.” Napanganga naman ako sa sinabi nyang yun. Magaling talaga siyang photographer para sakin dati pa, at lalo nya akong napahanga ngayon, hindi dahil sa picture ko kundi dahil sa explanation nyang yun… Na ngayon ko lang narinig sa kanya, which is true…

In Search (It All Starts Here) - PUBLISHED under LIB CreativesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon