Chapter Forty Nine -- All She Knows

11.2K 142 31
                                    

CHIBIs!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

AMISYOW!!!

Sorrrryyyyyyyyyyyyy...... 

nainip ba kayo masyado???? ^^

kasi... ano.. uhm... eeh....

Humanap pa ako ng inspirasyon eeh para tapusin yung ibang mga chapters... haha!!!

sana di kayo galit....   :o3

SALAMAT sa paghihintay... ^^

ayan na.. pwede na ulit kayong magbasa, magvote at mag comment... ILABYOW!!!! ♥

____________________________________________________________________________

CHAPTER 49


ZEKE’s POV

Nagugulat ako sa mga pinagsasabi ni Anne…

Seryoso ba siya? Kasi hindi ko tatanggihan…

Magsabi ka lang ng OO… itutuloy ko na…

Sorry Jared… Pero baka mabali ko na naman yung pangako ko sayo…

Baka hindi ko na siya maibalik sayo…

“Anne… Seryoso ka talaga?”

“OO… Kaso mahirap gawin yun kasi yung puso ko pasaway… kahit anong gawin ko siya pa rin ang gusto…”

“Eh di tutulungan kita…”

Siya naman yung nabilaukan… haha!!! Kasi naman… Kung magsasabi ka ng ganun, siguraduhin mong seryoso ka talaga kasi hindi mo alam, yung taong sinasabihan mo, seryoso sa nararamdaman nya para sayo…

“Pano?”

“Eh di sagutin mo ko. Payag ka bang maging girlfriend ko?”

“Huh?! Bakit? Nanliligaw ka ba?”

“Di na kailangan yun… Tutulungan nga kita diba?” Lalo akong lumapit sa kanya tapos tinitigan ko siya sa mata niya…. Halatang nahihiya na siya…

“Adik ka talaga Zeke… Nagjo-joke lang ako..”

Tignan mo ‘to. Sino kayang mas adik samin? Siya ‘tong pasimuno tapos sasabihin nyang nagjo-joke lang? Adeek talaga… Tsk…

In Search (It All Starts Here) - PUBLISHED under LIB CreativesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon