Chapter Sixteen -- Pull a Prank on ME

13.7K 100 7
                                    

CHAPTER 16

 As for Jared…

“Anne! Ano? Sama ka? Kaso sa clubhouse ng Treelane gagawin kasi may gagamit ng gym mamaya. Hindi din naman pwede yung practice room kasi masikip para sa mga routines.” Pumunta siya nun sa row namin, wala pa naman yung teacher.

“Ah, oh sige.” Oo nga pala, nag-promise ako sa kanya na sa susunod na practice nila, manunuod na ko. “Tara Gelo!”

“Ah ako?” Di na natuloy yung pagsagot ni Gelo kasi biglang dumating na yung teacher namin at hindi pa man nakakapunta sa harapan…

“Ok, get one whole sheet of pad paper. Mr. Wilson, distribute these questionnaires.” Oh well… Eto ang teacher na walang patawad. Inconsiderate. Ayoko na nga ng social studies, anything that relates history, dagdagan pa ng ganitong teacher. Kainis! Pasalamat siya I hate failing grades…

Na- consume namin yung buong oras sa pag-sagot ng kung ano man yun. Di ko kasi alam kung seatwork o long quiz ang tawag nya dun. Para sakin naman kasi walang pag-kakaiba lalo na pag sa kanya. Uwian na pala. Nag-alarm na kaya nagligpit na naman kami ng gamit.

“Tara na Gelo.”

“Saan?”

“Practice nina Jared. Sa Treelane daw.”

“Ah eh… Ikaw na lang. kailangan daw ng photographer eh. Pinapatawag ako. Sige kayo muna.” Excuses, excuses… Ano na naman kaya ang gagawin nito ngayon? “Paano mauna na ko… Ge ‘tol! Ingat ka jan.”

“Sige. Wala naman sigurong masamang mangyayari sakin.” Haha… FUNNY?! Tumakbo na paalis si Gelo. Kainis talaga! Bigla-bigla na lang nang-iiwan sa ere.

“Oh? Bakit naka-pout ka jan?”

“Ah wala…” Nakakainis naman kasi eeh! Hmpf…

“Tara na.” Kinuha nya yung gamit ko. Siya na raw ang magbibitbit. Nagtext na ko kay mommy na ma-le-late ako ng uwi. Himala! First time ko atang pinayagan nang hindi ko kasama si Gelo. Sa bagay, first time ko lang din naman umalis na hindi siya kasama, tsaka sa Treelane lang naman eh.

Dumating na kami sa clubhouse. Nandun na yung iba nyang mga ka-crew. Naghintay na lang siya sa iba pa nilang kasama tapos nag-start na din silang mag-stretching. 4:37 pa lang pala. Nakaupo lang ako dun sa bench. The more I stare at him, the more I fall for him. Ang galing nya talaga sumayaw! Pero yung ibang steps eh hindi muna masyadong hataw. Praktisado na naman nila yun eh. Ni-reserve lang nila yung energy nila for their stunts and routines. Ang cool lalo na nung ginawa na nila yung mga yun; b-boy, backhand spring flip, shoulder stand, head spin at kung anu-ano pang hindi ko alam ang tawag. Kulang na lang tumulo yung laway ko, di ko alam natutulala na pala ako sa kanila.

“Teka, sino ‘to?” May nagtakip kasi ng mata ko.

“Ate!” Sabi na… maliit yung kamay eeh. Bakit nandito ‘to? Ai! Taga-dito din nga pala siya…

In Search (It All Starts Here) - PUBLISHED under LIB CreativesWhere stories live. Discover now