Chapter Twenty Eight -- Gusto mo dito ka muna tumira? -^______^-

12.3K 102 11
                                    

CHAPTER 28

 

Huminto na kami sa tapat ng isang mansion. Not literally a mansion pero ang laki talaga nung bahay. Well, ganito talaga sa subdivision na to kaya dapat masanay na yung mata ko. ^^

Eto na yata yung bahay nina Zeke…

“Tara baba na tayo.”

Bumaba na nga kami tapos nag door bell na siya. Meron namang kasambahay ang nag bukas ng gate para samin.

“Manang, si mommy po?” Wow! Mommy rin ang tawag niya sa mommy ni Zeke? Parang kami rin pala ni Gelo ‘to.

“Wala pa po sir eh.” Wow huh?! Sir din tawag sa kanya… Bongga!

“Ganun ba? Sige manang pasok muna kami. Si Anne nga po pala.”

“Hi mam. Pasok po kayo.”

“Hello po. Wag na po mam. Anne na lang po.”

“Tara Anne.”

Pumasok na nga kami sa loob. Pati yung loob ng bahay ang ganda rin. Sobrang yaman talaga nila!

“Sina Zeke?”

“Nandun sa bahay nila. Wait lang may kukunin lang ako. Gusto mo sumama?”

Teka, kung wala dito si Zeke at nandun siya sa bahay nila. Nasan ako ngayon?

Pumasok na kami sa loob…

“Tara, dun tayo sa kwarto ko.”

Bahay nila ‘to? OMG! Syonga ko talaga! Haha!!!

Grabe!!! Ang ganda, ang laki. Parang zen type yung bahay. Modern at black and white yung motif. Ang ganda talaga!

Sumama naman ako sa kanya. Dun pa sa second floor yung kwarto niya. Ang laki din ng kwarto niya malaki pa sa kwarto ko.

“Upo ka muna jan. May hahanapin lang ako.”

Umupo nga muna ako sa kama niya. Haha! Mas malambot pa rin yung kama ko! Pero mas malaki yung kanya kasi parang queen size yung bed eh. Sakin single bed lang. ^^ May hinalungkat naman siya sa drawer niya. Ako naman, niligid ligid ko muna yung mata ko. Ang sarap kasi mag-observe eh, ang ganda tapos ang linis pa. Parang hindi lalaki yung may ari ng kwarto.

Teka, i-didiscribe ko sa inyo ung kwarto niya…

White yung paint ng buong kwarto niya, yung mga furnitures color black yata or super dark brown pati yung bed nya pero yung kutson, color white syempre.

In Search (It All Starts Here) - PUBLISHED under LIB CreativesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon