Siguro ay isa sa mga kasamabahay ang nandito sa kwarto. Baka mayroong nililinis ito kaya ganoon.

Ipinagsawalang bahala ko na lamang ang mga yapak na narinig at pinihit na ang doorknob upang makapasok.

Isang sulyap ko pa lamang sa tao na nasa loob ng kwarto ay gusto ng magwala ng kung ano sa aking tyan.

Isasarado ko na sana ang pinto ng makita si Jordan na humarap sa aking kinakatayuan habang seryoso.

Napalunok ako ng nagtama ang aming mga mata.

"I'm so s-sorry, I didn't know you were h-here." Sabi ko sa isang maliit na boses.

Pinagpawisan ako ng makita siyang naglalakad papunta sa aking pwesto. Katulad noon ay nakasuot siya ng long sleeves na nakatupi hanggang siko.

"That's the main reason I am here. 'Cause I know you won't be able to avoid me." His voice thundered in the big room.

"W-what do you mean?" Kabado akong tumawa sa akusasyon niya- na totoo naman.

Hindi ko alam kung saan nang galing ang kaba ko ngayon. Ang alam ko lang ay talagang may kung ano na nagwawala sa aking loob.

Hinawakan niya ang door handle kaya napatingin ako doon. Nabitawan ko ang pagkakahawak sa pinto ng buksan niya iyon ng malaki.

Ipinagsawalang bahala niya ang tanong ko. "You're checking the rooms right? Maybe you should come in."

"N-no, I can check this room tomorrow." Tanggi ko.

"Why not now? Nandito ka na rin naman. Are you avoiding me Reign?" Lumapit siya sa aking pwesto.

Nanunumbat ang kaniyang mga mata habang tinitignan ako.

"No, I am not avoiding you. Why would I?" Finally,  I was able to come up with real words without any stutter.

"I wonder why too?"

Upang mawala ang kung ano man sa kaniyang isip ay pumasok na ako sa kwarto upang i-check ito.

Tinignan ko ang aking cellphone upang tignan kung mayroon bang mensahe mula sa kaniyang sekretary ngunit wala naman.

I started walking around the room ngunit kahit na ganoon ay hindi ako makapag-pokus sa pagtingin dahil nararamdaman ko ang kaniyang mata sa akin.

"Are you really not avoiding me Reign?" He stated for the fourth time.

Huminga ako ng malalim. Kanina ko pa siya sinasagot tungkol doon but he does not seem satisfied with my answer, it's like he knew I was lying.

"Hindi nga!" Medyo iritado kong sagot dito.

"Why are you mad?" Narinig kong problemadong bulong niya. "If you are not avoiding me, then let's go out today." Biglang bulalas niya.

"What?" Pagak na tawa ko rito.

Like hell, I will go out with him.

"Come to dinner with me today." Mas madiin niya bigkas.

He doesn't have any humor in his eyes making me feel nervous again.

"Why would I?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Because you are not avoiding me, right?" Pabalik na tanong nito sa akin.

"I am not avoiding you so there is no need to have a dinner outside." Sinikap ko huwag maging sarkastiko.

"It really seems to me that you are avoiding me Reign. Was it because of what happened at our last meeting? Hm..." Malamig na ani nito at nagsimulang maglakad papalapit sa akin.

The Burning Desire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon