Chapter 8

1.5K 30 2
                                    



"Ugh..." I groaned while touching my pulsating head.

Dahan-dahan akong umupo sa kama habang hawak-hawak pa din ang ulo ko. Inikot ko ang tingin sa buong kwarto at doon naalala na nandito nga pala ako sa bahay nina Raika.

Nang may makita ako na isang baso ng tubig sa bed side table ay inabot ko iyon, napansin ko ang isang maliit na gamot na katabi noon.

Siguro ay nilagay iyon ng pinsan ko?

Kinuha ko ang gamot at ininom iyon. Sinigurado ko na naubos ko ang tubig sa baso bago napagpasyahang maligo.

Pumasok ako sa banyo at binuksan ang shower at inilagay iyon sa maligamgam na tubig upang mahimasmasan ako.

Hindi pa naman ako nakapagpaalam kina Mommy at Daddy na dito ako matutulog kina Raika! Pero siguro naman ay nasabi iyon nina Kuya Scott?

Siguro ay dito din natulog ang iba ko pang mga pinsan?

I felt even better while feeling the streaming hot water traveling all throughout my naked body.

Habang sinasabon ang katawan ay napahawak ako sa aking ulo.

"I can be your secret Jordan."

A memory suddenly flashed on my mind. Ako iyon habang nasa kama at kahalikan si Jordan!

Am I sexually frustrated to have that kind of thing on my brain?

Fuck!

Ano 'yon?! Bakit pangalan ni Jordan ang sinabi ko? At anong 'I can be your secret'? Ano ba ang sinabi ko kay Jordan kagabi?!

I tried so hard to remember what happened last night while washing my body. Ang huli ko lang na naaalala ay ang pag-inom ko ng alak kasama ang mga pinsan kong babae.

Lumabas ako sa banyo habang mayroong suot na roba. Doon ko naalala na wala pala ang damit ko dito! Kailangan ko pang lumabas at puntahan si Raika o Clary upang makahiram ng damit.

My mind is still pre-occupied with remembering what the hell happened last night. Bakit ba kasi ako uminom ng ganoon? Alam ko namang hindi ko kaya na uminom ng marami! At hindi man lamang ako pinigilan ng mga pinsan ko!

Biglang may nag flashed na larawan sa aking utak! Mas lalo akong nairita dahil doon.

Si Jordan ay nakaupo at mayroong babae na grabe kung makalingkis sa kaniya. Ang sumunod na nag flashed sa aking isip ay si Jordan na kahalikan ko!

Is my mind playing with me? Hindi naman siguro totoo iyon!

Lumabas ako sa kwarto at nakitang naka-lock iyon. Bakit naman naka-lock iyon?

Ipinagsawalang bahala ko na lang ang lock na iyon at tuloy-tuloy na lumabas ng kwarto.

My hair is still wet from the shower that I had. Ang katawan ko naman ay tuyo na dahil sa nakabalot na roba sa akin.

I tried to knock on Raika's door because it is lock. Nagtataka kong tinignan iyon. Baka natutulog pa siya?

Sa huli ay napagpasyahan kong bumama na lamang at kumain muna bago magbihis.

I was stretching my arms while going down. Humikab pa ako at hinawi ang buhok papunta sa aking leeg.

"Ate Reign!" Isang iritadong boses ang narinig ko mula sa baba.

Nagulat ako ng makita na hindi lang pala kaming magpipinsan ang nandito! Narito pa din ang ibang kaibigan ni Huxley at Uno!

The Burning Desire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon