Chapter 51

1K 23 0
                                    


"Ma'am tapos na po maligo si Xanley." Mahinang sambit ng aming kasambahay habang bitbit ang anak ko na basa pa ang buhok.

I immediately went to Xanley. Trying to avoid talking to Jordan because our son is here. We should talk about things privately, 'yung kami lang, hindi rito kung saan maririnig ng mga kasama namin sa bahay.

"Wow! You smell so good." I kissed Xanley's cheek before giving him to Jordan. "Let's talk some other time." I whispered.

I went outside of the room at hinayaan muna ang dalawa. It's already three in the afternoon. Ang alam ko ay lalabas si Jordan at Xanley upang mamasyal.

"Are you sure Mama? Won't you come with us?" Xanley pouted while giving me a "pleasing" look.

I laughed. "We've talked about this na 'di ba? I won't go so you two can bond properly. Okay?" I kissed his forehead.

Dahil hawak siya ni Jordan, bahagyang naglapit ang aming mukha. I cleared my throat.

So... he still uses the same fragrance, huh?

"You can come with us. Pwede naman 'yon, so the three of us can bond?" Tinaasan ako ng kilay ni Jordan, urging me to come.

Umiling ako agad. I really want them to go out, iyong silang dalawa lang. Pwede naman na sa susunod ay sasama ako. Ito pa lamang kasi ang unang beses na lalabas sila publicly.

I want them to spend that time with just the two of them. Sa tingin ko rin ay mas madali silang magiging mas close kung ganoon.

"Hindi na. Besides, I have something coming up." Bumali ako kay Xanley. "You should behave while you're with your Papa, okay?" Paalala ko rito.

"Where are you going?"

"I just have an appointment." Maikli ng sagot ko sa tanong. "Sige na, go ahead."

Nagtalo pa kami ng kaunti ni Jordan dahil kinukulit niya ako kung saan ako pupunta, dagdag pa roon si Xanley na gusto akong pasamahin.

Napabuga ako ng hangin nang sa wakas ay napaalis ko na ang dalawa.

I think, they are going to a polo club. Doon ata mag bo-bonding. Though, I think that its too mature for Xanley. Ilang taon lang naman 'yon tapos polo club agad?

I just shrugged it of. Baka mayroong playground doon or something? O something like a kiddie ground?

Pagkatapos noon ay nag ready na rin ako. Totoong may pupuntahan ako. I have a schedule with Kendall. Inaya kasi akong lumabas. Hindi naman ako maka hindi sa kaniya dahil noong nakaraan pa niya ako inaayang muling lumabas.

In short, to prevent any argument with her, I said yes to her invitation.

To: Kendall

Where are we going?

Ilang minuto ang nakalipas ay nag reply na rin siya.

From: Kendall

Sa club. Just gonna attend a party.

To: Kendall

Kaninong party?

From: Kendall

Sa Avelleneda lang.

Maaga pa naman. Lumabas muna ako papunta sa aming garden at nagdilig doon. I turned on our hose and started watering the orchids in front of me.

Habang ginagawa ito ay nagring ang aking telepono. Si Kendall 'yon.

"Bakit?" Bungad ko rito matapos sagutin ang kaniyang tawag.

"Mamaya pa 'yon ah? Susunduin na lang kita before 9 PM. Wear a dress."

The Burning Desire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon