Prologue

6.2K 73 4
                                    



"Ha? Wala akong boyfriend!" Umiling ako sa pinsan kong si Kendall na nakangisi sa akin ngayon.

Kasama ko ang mga babae kong pinsan habang kumakain sa isang sikat na coffee shop na malapit lang sa Univesity na pinapasukan namin.

Kakatapos pa lamang ng aming mga klase at dito namin napiling dumiretso upang makipagkita sa iba pa naming pinsan na mayroon pang klase hanggang ngayon.

Sumingkit ang mga mata sa akin ni Kiara na kanina ay nagbabasa ng isang libro para sa quiz nila bukas.

"You should get one, kahit 'yung fling lang, ah? You need experience." Ngumisi sa akin si Kendall at uminom mula sa straw ng juice na in-order niya.

"Ayoko! at isa pa, alam mo naman si Kuya Scott ayaw niya ng mayroong umaaligid sa akin." Umiling ako sa kaniya.

"Duh? Kuya Scott is just protective. Tignan mo ako, noon ayaw ni Kuya Kaiden na magkaroon ako ng boyfriend. But look at me now?" Ngumisi siya.

"Hayaan mo nga siya Kendall! You're so nosy. Ang dapat nating i-interview ay 'yang si Kiara, Clary, at Nyxie!" Kinindatan ako ni Raika.

I was thankful to her for saving me from Kendall's further questioning of my love life. 

"Right! As if a grade twelve's life is fun!" Umirap siya.

Ahead kaming tatlo nina Raika at Kendall mula sa ibang pinsan namin na babae na sina Kiara, Clary, at Nyxie na nasa Senior High School pa lamang. Kasabay nila doon ay ang kapatid ko na si Legion at ang pinsan naming si Calvin.

Kaming tatlo naman ay kakatungtong pa lamang sa unang taon ng kolehiyo, kasabay ang iba pa naming pinsan na sina Kai at ang kambal na sina Uno at Dos.

Sina Kyrie, Huxley at Kaiden naman ay nasa second year college na. Habang si Kuya Scott naman na aking kapatid at si Kuya Malachai na aming pinsan ay nasa third year college.

"Fuck, did you see the new student? Ang pogi!" Kendall squealed.

"New student? Sino?" Takang tanong ni Raika.

"Wait, I'll show you his picture." Kendall began flipping and scrolling through her phone.

Nakuha niya din ang atensyon ng tatlo naming pinsan na babae na nag-uusap kanina tungkol sa kanilang quiz.

"Are you serious? Ka-batch natin 'yan?" Hindi makapaniwalang tinignan ni Raika si Kendall habang ang kamay niya ay nakatakip sa bibig niya.

"That's what I am asking to myself too!" Itanago niya ang kaniyang cellphone ng makita ang padating naming mga pinsang lalaki.

"Where is Kai?" Tanong ni Clary kay Uno.

"Probably at the MedTech Department." Umismid siya at umupo na sa isang bakanteng upuan katabi ang kakambal niya.

"I think bagay kayong dalawa Reign!" Bigla akong kinalabit ni Raika. Tinaas pa niya ang kilay niya sa akin.

Napakunot ang aking noo. Sino naman ang tinutukoy ni Raika?

"Hoy anong bagay-bagay kayo d'yan?" Saway ni Kyrie kay Raika.

"Kyrie can you please mind your on business?" Inirapan siya ni Raika bago muling humarap sa akin.

"Maybe now is the time for you to get a boyfriend!" Napatingin ako kay Kendall na ngayon ay tumatawa na.

Pagkatapos naming mag-usap-usap doon ay umalis na rin kami.

"Wait! punta lang ako sa library." Ipinakita ko sa kanila ang librong hawak ko.

"I'll come with you ate." Tumayo si Legion at inayos ang bag.

The Burning Desire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon