Chapter 3

1.8K 33 1
                                    


"Where were you the other night, Reign? Ang sabi ni Manang ay late ka na raw umuwi." Napalunok ako habang pinapakinggan ang seryosong boses ni Daddy habang kumakain kami sa hapag kainan.

Tuwing umaga ay inuugali naming pamilya na magsabay-sabay sa pagkain. Madalas kasi ay late ng umuuwi ang mga magulang namin dahil sa trabaho sa aming kumpanya kaya madalang kaming makapagsabay kumain tuwing dinner. 

But whenever we have time, we make sure that we spend it well together.

"N-namasyal lang po, Daddy." Ibinalik ko ang tingin sa aking plato na kakaunti pa lang ang nababawas na pagkain.

Tinignan ko si Kuya Scott na nakataas lang ang kilay sa akin, nanghahamon ang titig niya.

I knew that he saw Jordan's car. Nasa gilid lang kasi ng guard si Kuya noong dumating ako, halatang inaabangan talaga ako. I'm just glad that I know for sure that he did not have a good glance at the driver because of the heavily tinted car.

Wala namang kaso sa akin kahit na umamin ako na si Jordan ang kasama ko kaso nga lang ay baka magalit sa akin si Daddy at Mommy dahil ang gusto nila ay ipinapakilala ko ang mga kaibigan ko sa kanila.

Maybe I can tell them some other time?

I'm pretty close to my mother and father, being their only daughter. I shared a lot of my moments with them when I was still in senior high school.

"Aiden, huwag mo na ngang pakialaman ang anak mo. She's already 19, let her have fun!" Sinuway siya ni Mommy na matamis na ngumiti sa akin.

"I'm just asking." Nagkibit balikat si Daddy. "How's school Scott? Legion?" Ngayon naman ay si Kuya Scott at Legion na ang tinignan niya. 

Mabuti na lamang at sinuway siya ni Mommy kaya hindi na sa akin nakatuon ang kaniyang pansin kundi sa aking mga kapatid na prente namang nakakasagot sa mga tanong.

Dumiretso rin kami ng University pagkatapos noon. Late na rin kasi si Mommy at Daddy kaya hindi na tumagal ang kwentuhan naming lima.

"Una na ako Kuya, Legion." Paalam ko sa dalawa kong kapatid na lalaki bago maglalakad upang dumiretso sa aking klase.

Kuya Scott went on his separate building dahil magkaiba kami ng kinuhang kurso habang si Legion naman ay dumiretso sa building ng senior high school.

My day was boring. Hindi ko nakita ang iba kong mga pinsan dahil magkakaiba ang mga schedule namin kaya mag-isa lang ako noong lunch hanggang matapos ito.

It was okay though, being alone. I find it really peaceful and comforting. Ayos lang naman sa akin na mayroong kasama para na rin mayroong makausap at mapaglibangan ngunit ayos din sa akin ang wala.

I may look lonely right now but it's fine because I am already in college. At least I know that I can survive a day alone without my cousins.

Niligpit ko na ang mga gamit ko para sa huli kong klase.

It was already past one in the afternoon. Ito na ang huli kong klase ngayong araw.

"Saan ka?" Tanong sa akin ni Bea, isa sa mga ka-block ko. "Pupunta kami sa bagong bukas na samgyup restaurant. 'Yung malapit sa gate? Sama ka?" Tanong niya sa akin.

Umiling ako sa kaniya. "No, but thank you!" I smiled.

I'll probably just go with my cousins. Isa sa hilig naming magpipinsan bukod sa pag pa-party ay ang pagkain.

But I doubt they can go today. Hindi ko pa kasi nakikita ang ni-isa sa mga pinsan ko. If they won't be available, I'll probably go alone or with my siblings.

The Burning Desire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon