Kabanata 48

10 3 0
                                    

ROSALINDA

Isang napakalaking mansion ang napasukan namin ni Señora Anafe pagkatapos makaraan sa nakakakilabot na lugar. Kumikintab sa ginto ang paligid at wala akong makitang bagay na naiiba ang kulay bukod sa ginto.

Nalulungkot ako sa nakita ko. Sa daming bagay na dapat baguhin sa sistema ng gobyerno ay ito siya at nagpapakasasa sa masagana niyang buhay.

Paano napapayag ng taong ito ang kontrolin ang napakadaming tao?

Mas'yado yata akong nalibang sa pagtingin sa paligid kaya hindi ko na namalayan na wala na pala si Señora Anafe sa tabi ko. Niyapos ko ang aking sarili at humanda sa ano mang maaaring mangyari. Hindi ko alam ay baka rito pala nakatira ang lahat ng nasilayan ko sa elevator.

Umatras ako ng isang hakbang nang makarinig ako ng yabag mula sa itaas ng mansion na kinalalagyan ko. Lakas-loob akong tumingala rito at natulala ako nang makakita ng isang lalake na naka-bathrobe lang.

Naglakad siya patungo sa direksiyon ko. Tumingin siya sa akin at natitigan ko ang malalim at mala-uwak niyang mata. Hindi siya gaanong mukhang matanda at sa katunayan ay mukhang kasing edad ko lang siya. Parang napakabata niya para maging pinuno ng buong mundo.

Sino siya?

Ang mas nakakuha ng atenisyon ko ay ang wangis niya. Nasisiguro kong hindi siya isang chinese.

"Nakita rin kita, Rosalinda."

Pati ang boses niya ay parang galing sa hukay.

Nang makalapit siya sa akin ay hinawakan niya ang hibla ng buhok ko, pero mabilis akong lumayo sa kaniya.

"Sino ka? Ikaw ba ang anak ng pinuno ng mundo?"

Tumawa ng malakas ang kaharap ko. Nababaliw ba siya? Naiilang akong tumingin sa kaniya dahil bathrobe lang ang suot niyang damit. Mukhang kakaligo lang ng lalakeng ito kahit hindi naman basa ang buhok niya.

"Ako si Tan Ganihska. Gano'n na ba ko kamukhang bata para tanungin ng ganyan?"

Isang halaklak na naman ang namutawi sa kaniya.

Filipino ang wikang gamit niya. . .

"I-Ikaw ba ang nagpapunta sa akin dito? I-Ikaw ba ang pinuno ng makabagong mundo?"

Ngumiti siya sa akin at nasilayan ko ang dimple sa kanang pisngi niya.

"Oo, ako nga. Nakakatawa. Imbis na ikaw ang paulanan ko ng katanungan ay ako ang sumasagot sa mga tanong mo." Nagtungo siya sa bulaklaking kulay ginto na sofa at printeng naupo roon. "Halika at maupo. May nais akong itanong sa iyo."

Itinuro niya pa ang kaharap niyang sofa upang doon ako paupuin, pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Sa tingin mo ba ay madali mo kong mapapasunod katulad ng ibang tao?"

Sumilay ang ngisi sa kaniyang labi pagkatapos marinig ang sinabi ko.

"Kailangan mong matutunan kung paano mahalin ang pinuno ng mundong ito." May kinuha siyang kung ano sa loob ng bathrobe na suot niya.

Napangiwi ako nang kuhanin  niya ito mismo sa bandang dibdib niya. Pinakita niya sa akin ang isang bilog na kulay itim. Kasing laki lang din ito ng mentos katulad ng binigay sa akin ni Señora Anafe noon.

"Ano 'yan? Tracking device ulit?" Napairap ako sa hangin dahil dito.

Ngumisi siya sa akin. "Actually, hindi ito isang tracking device. Isang baterya ang hawak ko at alam mo ba kung saan ito ginagamit?"

Natigilan ako nang may maunawaan akong isang bagay. Battery? Kung gano'n ay nasa kaniya lang pala ang matagal na naming hinahanap?

"Ano ba ang gusto mong gawin ko?" Tinitigan ko siya ng diretso sa kaniyang mata.

Sa totoo lang ay gustong-gusto ko na siyang saktan dahil sobrang nakakairita ang ngiti niya kahit pa inaamin kong may hitsura siya. Mas lalo siyang gumaguwapo sa tuwing nasisilayan ko ang dimple niya. Tss.

"Good. Madali ka pa lang kausap. Halika at maupo ka rito."

Kung kanina ay tinitigan ko lang siya ng masama, ngayon ay sunod-sunuran na ko sa kaniya. Umupo ako sa kaharap niyang sofa.

"Katulad ng sinabi ko kanina ay may tanong ako sa 'yo. Delfin ba ang last name mo?"

Pinagkrus ko ang aking dalawang braso at walang ganang tumango sa kaniya.

Tumawa siya ng malakas pagkatapos matanggap ang sagot ko.

"Sinasabi ko na nga ba. Akalain mo 'yon? Pinapatay ko na ang babaeng nagngangalang Rosalyn dahil sa sobrang talino niya at pagiging pakielamera at ngayon ay nasa tapat ko ang babaeng kahawig niya na galing sa ibang mundo. Buti na lang at kinumpirma mo dahil aakalain kong multo ka at ipapatapon kita sa mga collection ko."

Nagsitaasan ang balahibo ko nang maalala ang mga nakita ko kanina. Pinagdikit ko ang aking dalawang palad at ipinatong ito sa aking binti para itago ang panginginig nito.

Gusto kong tanungin ang sarili ko. Sino kaya ang Rosalyn na binanggit niya? Siya kaya 'yong babae na nakita ko sa papel na nalaglag ni JR noon? Kung gano'n ay patay na pala ang babaeng nagngangalang Rosalyn?

"Kahit ano namang gawin ko ay hindi mo ibibigay sa akin ang battery na 'yan, hindi ba?"

Nagkibit-balikat siya sa tanong ko.

"Kung gano'n ay hindi na ko ulit magsasalita pa." Umayos ako ng aking pagkakaupo at tinitigan na lamang siya.

"Huwag mong subukang ubusin ang pasensiya ko." Tumayo siya at sinugod ako.

Hinawakan niya ang panga ko at pilit akong pinalingon sa kaniya. Nagsalubong ang aming mga mata. Sinalubong ko ang nakakatindig-balahibo niyang tingin at hindi ako nagpatinag sa kaniya. Halos mapadaing na ko sa sakit dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa panga ko.

"Alam mo ba ang ginagawa ko sa babaeng hindi nasunod sa akin?" Hinawakan niya ang kuwelyo ng damit ko at sinubukang buksan ang butones nito.

Itinulak ko siya palayo bago niya pa ko ulit mahawakan subalit hindi man lang siya natumba sa ginawa ko. Napakalakas niya. Nagbago ang expression ng kaniyang mukha. Kung kanina ay nakakatakot na siya, ngayon ay parang handang-handa na siyang patayin ako.

Nanginginig akong tumayo at nagbalak na tumakas na sana sa kaniya, pero nahawakan niya ang dalawang kamay ko at muli akong tinulak paupo sa sofa. Nagpupumiglas ako, pero sa sobrang lakas niya ay nauubusan na ko ng lakas at nanghihina.

Sinimulan niyang amuyin ang leeg ko pababa.

"Help. Jr, help me."

Kasabay nito ay ang pagtulo ng luha ko.

✓DON'T LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon