Kabanata 7

24 6 0
                                    

A/N:

Gusto ko lang ipaalala sa kabanata na ito na bawal po ang green minded kahit na wala namang BS or Bed Scene. Let's just face the near reality.

-Ice👀

Rosalinda's POV.

"Ha? Hindi p'wede, binibining Rhean!" Napasigaw na ko dahil sa sinabi niya.

"Bakit naman hindi p'wede? Maghuhubad ka lang naman at magpapalit ng damit."

Mas lalong nag-init ang dalawang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Umiling-iling ako sa kanya at saka lumapit para makabulong sa kaniyang tainga.

"Binibining Rhean, hindi ako p'wedeng basta-basta na lamang maghubad sa isang pampublikong lugar. Bukod sa makikita ang pinakaiingat-ingatan ng isang babae ay magmumukha akong porn star niyan."

Hindi ko alam kung bakit, pero mas lalo siyang napakunot-noo sa sinabi ko.

"Ano bang sinasabi mo? Hindi naman masamang maghubad sa pampublikong lugar," naguguluhang bulong niya rin sa akin.

Tumingin ako kay Eduard na nasa harapan namin, pero mukhang wala na naman siyang pakialam dahil patingin-tingin lang siya sa paligid.

Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Rhean.

Ganito na ba sa panahon na ito?

Kanina habang naglalakad kami patungo sa trabahong nai-atas sa amin -ang ibigay ang isang bagay sa taong nagngangalang Rosetta na nakatira sa Cabilang Baybay- ay may nadaanan kaming isang park at alam n'yo ba kung anong nakita ng inosente kong mga mata? May mga tao lang namang gumagawa ng kabalastugan at hindi lang sila hubo't-hubad, hindi lang sila dalawa kundi tatlo. Dalawang lalake at isang babae.

Muling nag-init ang dalawang pisngi ko nang maalala ang nakita.

"Binibining Rhean, talaga bang balewala lang sa inyo ang nakita n'yo kanina?"

Kay Rhean ko lang tinuon ang atensyon ko dahil nakaka-ilang talaga kapag pinag-uusapan ang tungkol dito kasama ang isang lalake. Tumango naman sa akin si Rhean.

"Oo. 'Yong pakikipagtalik ba? Huwag mong sabihin na hindi mo pa nagagawa ang bagay na 'yon? Kami nga ni Eduard ay nagtalik na. Gusto mo sabihin ko kay Eduard na gawin n'yo rin. Nakakagaan ng pakiramdam 'yon."

Mahihimatay na yata ako sa sinabi ni Rhean at dahil doon ay napalingon na naman ako sa direksiyon ni Eduard na nakakunot-noo na sa aming dalawa ni Rhean ngayon. Napahawak ako sa aking bibig at hindi makapaniwalang napatingin naman sa direksyon ni Rhean.

"Huwag mo sanang mamasamain, pero hindi ba magkapatid kayo? At sandali! Rhean, nakalimutan na ba ng mga tao ang halaga ng pakikipagtalik?"

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito. May mas lalala pa pala sa mga bagay na nalalaman ko sa panahong ito. Napansin ko ang pagtahimik ng katabi ko dahil sa aking sinabi.

"Tss. Ginagawa ang pakikipagtalik para sa mga tao na gustong sumaya o sa mga tao na walang magawa. 'Yon lang. Maghanap ka na nga lang ng banyo at doon magbihis kung ayaw mo maghubad dito." Tinulak na ko ni Rhean kaya wala na kong nagawa kundi magtungo sa banyo.

Napapa-iling pa rin ako habang naglalakad nang maisip ang sinabi ni Rhean. Hindi ako
makapaniwala sa sinabi niya. Kung nasa taong twenty-twenty lang ako ay malamang, hiyang-hiya na ang mga taong katulad niya.

Nang makahanap na ko ng banyo sa katabi ng karinderya ay agad akong pumasok sa loob.

Kailangan ko talagang magpalit ng damit at maglagay ng napkin sa panty ko dahil hindi ko naman alam na magkakaroon ako ng dalaw ngayon at dito pa talaga ko nagkaroon sa lugar na 'to, ha?

Buti na lang at may nadaanan kaming nagtitinda ng ukay-ukay at nakabili kami ng damit. Ang napkin naman, nabili namin sa kalapit na tindahan.

Binalewala ko na lang ang namumuo sa isipan ko nang makita ang babae at lalake sa loob ng banyo. Wala rin kasing nakalagay sa labas kung anong kasarian ang p'wedeng pumasok. Nagtungo na ko sa bakanteng cubicle at doon nagpalit ng damit. Pagkatapos ay lumabas na rin agad ako sa cubicle.

Palabas na rin sana ako ng banyo nang matigilan ako dahil sa tatlong lalake na nakatingin sa direksiyon ko. Nakangisi pa sila sa akin kaya mas lalo akong kinabahan.

Nak ng- Katapusan ko na yata! Napaatras ako ng isang beses at dahil doon ay may nabangga akong tao sa likuran ko.

"Halika na at aalis na tayo."

Nakahinga ako ng maluwag nang makita si Eduard sa likuran ko. Suwerte pa rin pala ko kahit papaano.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at dire-diretso kaming lumabas ng banyo ng hindi sinusulyapan 'yong tatlong lalake. Buti na lang at hindi na kami hinarang ng tatlo. Nag-iiba rin pala talaga ang isip ng tao pagkalipas ng ilang taon.

Bigla akong nakaramdam ng pagkailang dahil napansin kong hindi pa rin pala binibitiwan ni Eduard ang kamay ko.

"Sinabi ni Binibining Rhean na gusto mo raw makipagtalik sa akin kaya pinasundan ka niya sa akin. Kaya lang may tao sa banyo at nasabi sa akin ni Rhean na hindi mo raw gusto makipagtalik sa harap ng ibang tao kaya-"

Huminto siya pagsasalita nang hilahin ko ang kamay ko na hawak niya at yumuko. Huminto kami sa paglalakad.

"B-Baliw ka ba? Hindi ako katulad ng mga tao dito na walang pakialam sa salitang virginity. Nakasalalay ang virginity ko sa taong pakakasalan ko balang araw no!" Umangat ako ng tingin at napairap nang makitang nakatingin siya sa direksiyon ko.

Naramdaman ko na naman ang pag-init ng dalawang pisngi ko.

"Tss. Ibang klase talaga ang isip ng binibining katulad mo."

Muli akong napaharap sa kaniya nang marinig ang sinabi niya. Aangal pa sana ako, pero tumalikod na siya sa akin at nauna ng maglakad. Bago siya makatalikod sa akin ay hindi nakaligtaan ng aking paningin ang pagsilay ng ngiti sa kaniyang labi sa kauna-unahang pagkakataon.

Tumakbo ako at hinabol siya. Nawala na yata sa isipan ko ang mga sinabi niya sa akin kanina dahil awtomatiko akong napangiti rin nang makita ang ngiti niya.

Akalain mong marunong pa lang ngumiti ang katulad niya?

Nang magkapantay na kami sa paglalakad ay nakangiti kong tinusok-tusok ang kaniyang tagiliran para kilitiin siya at asarin, pero mukhang wala siyang kiliti dahil nakakunot na naman ang noo niya sa akin.

"Yiee. Ikaw ha. Kunyari ka pa, pero marunong ka rin naman pa lang ngumiti."

"Ano bang sinasabi mo? Tigilan mo nga ang pagtusok mo sa tagiliran ko. Sige ka at hahalikan na kita."

Hindi pa rin ako tumigil kahit na nagbanta na si Eduard sa akin.

"Alam mo, Eduard. Bukod sa libangan o kasiyahan, ang pagtatalik o paghalik ay ginagawa lamang ng dalawang taong nagmamahalan."

"Tss. Ilang beses ko bang uulitin sa 'yo na bawal magmahal sa mundong ito?"

Natahimik ako sa sinabi ni Eduard.

Oo nga pala. . .

Magsasalita pa sana ako ulit, pero sinalubong na kami ni Rhean na mapang-asar na nakatingin sa amin dalawa ni Eduard.

Akala niya siguro ay ginawa namin 'yon ni Eduard.

Naisip ko bigla, bakit nga ba ako napunta sa panahon na ito?

Siguro kasi narito ako para ibahin ang baluktot na pag-iisip ng mga tao sa panahon na ito. Para ipaalala sa kanila ang mga dating gawi nga mga tao na kinalimutan na sa panahon na ito.

Siguro nandito ako para ipaalala sa kanila na kahit kailan ay hindi magiging kasalan ang magmahal.

✓DON'T LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon