Chapter Eight

309 12 1
                                    

THE UNWANTED MARRIAGE

Chapter 8

SINCE THAT DAY HAPPENED, mas naging malamig ang pakikitungo niya sa akin. Kung ituring niya ako ay parang hindi ako nagi-exist at napapadalas na rin ang hindi pag-uwi niya rito sa bahay, gigising ako ng wala siya, kung uuwi man siya ay aalis din siya agad kagaya na lamang ngayon.

"Kakauwi mo lang ah? Aalis ka agad? Saan ka pupunta?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

Hindi niya ako pinansin at nagtuloy lang siya sa paglalakad. Hinabol ko siya, humarang ako sa dinaraanan niya dahilan para mahinto siya sa paglalakad. He looked at me with those cold eyes.

"C-can't you just stay here?" Tinignan ko siya mata pero hindi man lang nagbago ang malamig niyang tingin sa akin.

Ilang segundo siyang walang imik pero matapos 'yon ay nilampasan niya ako ngunit hinabol ko siya at hinawakan ang braso niya. Tinignan niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya at saka niya iniwaksi ang braso ko. Napakagat ako sa labi ko at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Please, stay here." Mahinang sambit ko.

Ramdam ko ang malalim niyang paghinga at kasabay nu'n ay ang pagtanggal niya sa mga braso kong nakayakap sa kaniya, hinarap niya ako.

"Why are you so hard on yourself? Can't you see, I don't like being with you so, why would I stay here?" Napayuko ako sa mga narinig ko, kumuyom ang kamao ko.

"Kay Amanda ka na naman ba pupunta?" Kumunot ang noo niya sa tanong ko.

"Na naman? Huh! Of course, I will always come to her rather than to stay here and to be with you." Nakatiim ang panga niyang sabi at saka na niya ako tinalikuran.

Natahimik ako. Ngunit hindi pa siya nakakalayo ng magsalita ako.

"You're so unfair." Sambit ko habang nakatingin sa likuran niya.

Napatigil siya sa paglalakad at bigla akong hinarap ng may nakamamatay na tingin. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko nang maglakad siya sa akin papalapit, ngayon na ilang dangkal lang ang lapit namin sa isa't-isa ay tinapangan ko ang mukha ko.

"Unfair?" Pagu-uulit niya.

"You can do whatever you want and now, you impregnate Amanda. We're married, Zach! What do you think Amanda will think if she find out that you are married and I am your wife? Ano na lang ang mararamdaman niya kapag nalaman niyang anak sa labas ang anak niya? You'll just hurt her, Zach and you are being unfair hindi lang sa akin, maging sa kaniya na rin." Wika ko at kita ko ang pagbabago ng emotion sa kaniyang mukha, bumakas sa mukha niya ang pangamba pero agad din iyong nawala at bumalik na naman ang blanko niyang mukha.

"You are selfish, too, Zach." Dagdag ko pa.

Isang malakas na sampal ang tumama sa kaliwang pisngi ko. Ramdam kong pumutok ang ibabang labi ko dahil nalalasahan ko ang dugo mula rito, hindi ko maiwasang hindi mapangiwi sa hapdi. Tinignan ko siya at kita ko ang pag-aapoy ng galit sa kaniyang mga mata.

"I know my worth and I deserve better than this. I am worthy of love and attention." I said.

His eyebrows furrowed. "What?"

The Unwanted Marriage (On-going)Where stories live. Discover now