Chapter Fourteen

307 10 11
                                    

THE UNWANTED MARRIAGE
Chapter 14

I SHOULD STOP CRYING. This is not good for my baby and for my health. If I want my baby to be healthy I should take care of myself and my body. Wala namang ibang mag-aalaga sa akin kung hindi ang sarili ko lang. Hindi na dapat ako umasang aalagaan pa ako ni Zach. Masyado siyang busy sa pag-aalaga sa babae niya.

Pinunasan ko ang luha sa mukha ko at huminga ako nang malalim bago tumayo, kahit na ayokong harapin sila ay kailangan ko pa ring lumabas ng kwarto ko para kumain. I'm doing this for my baby. I need to be strong.

Lumabas ako ng kwarto ko at tinungo ang kusina. Pagkapasok ko pa lamang ay ramdam ko na ang tingin nilang dalawa sa akin ngunit hindi ko iyon pinansin at tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at hinanda ang rekado sa iluluto kong arroz caldo, I'm craving for it kaya iyon ang iluluto ko. Binabad ko muna sa tubig ang manok na galing sa freezer at hiniwa ko ang ilang recipes. Walang salita ang lumabas sa bibig ko at tunog lang ng kutsilyo sa chopping board ang naririnig.

After 10 minutes of silence, Amanda asked. "What are you trying to cook, Thalia? I see sliced chicken there and some garlic and so on, pero hindi ko alam kung ano ang iluluto mo." Nakatalikod ako sa kaniya kaya hindi ko nakita ang paglapit niya sa akin.

Tinignan ko lang siya sa gilid ng mata ko nang lumapit siya.

"Is that... arroz caldo?" Amanda asked at tumango lang ako bilang sagot.

"Why, are you not feeling well?" Tanong niya na akala mo parang ina na nag-aalala sa anak.

Umiling ako.

"Then, why are cooking arroz caldo kung pwede ka namang magluto ng iba?" Gusto kong matawa sa tanong niya pero dahil wala ako sa mood i-entertain siya, nanatili akong tahimik.

Nang wala siyang makuhang sagot sa akin ay umalis na siya sa tabi ko at bumalik sa kinauupuan niya katabi si Zach. Ilang minuto pa ang hinihintay ko bago matapos ang niluluto kong arroz caldo. Kumuha ako ng medyo may kalakihan na bowl at nilagayan iyon, nagtimpla rin ako ng juice at nang matapos ay inilagay ko iyon sa tray at dinala sa kwarto ko.

Sa kwarto ko, tahimik akong kumakain ng niluto ko, ninamnam ang sarap niyon. Saktong patapos na akong kumain ng bigla na lamang pumasok si Zach sa kwarto ko. Hindi ko siya pinansin at tahimik lang na inubos ang pagkain ko at ininom ang juice ko atsaka inilagay ang pinagkainan ko sa table sa gilid ng kama ko.

Dahil wala naman akong balak na kausapin siya ay nilabas ko ang phone ko at nag-hanap ng pwedeng mapanood sa YouTube. Napangiti ako ng makakita ako ng baby na palabas. I clicked the video at hindi ko pa man napapaumpisa ay may humablot na ng phone ko sa akin.

"Ano ba'ng problema mo?" Naiinis kong tanong.

"Ha! Anong problema ko? Ikaw! Ikaw ang problema ko!" Nangangalaiti niyang duro sa akin.

Wala akong sinagot sa kaniya at pinatili ko lang ang tingin ko sa kaniya.

"Ayan! Ayan ang problema! Kinakausap ka kanina ni Amanda pero hindi mo man lang siya sinasagot! Akala tuloy ni Amanda ay may nagawa siyang mali sa'yo kaya hindi mo siya pinapansin." Paninisi niya sa akin.

"Ah, so It's my fault that I didn't answer her nonsense questions? May batas bang ipinatupad na kailangan sagutin lahat ng tanong, Zach? Mayro'n ba? Wala naman, ah. At isa pa, baka hindi mo magustuhan ang isasagot ko riyan sa babae mo." Matapang kong sumbat sa kaniya, wala na akong pake kung hindi niya magustuhan ang sinabi ko dahil totoo naman ang mga sinabi ko.

"What did you say?!" Umigting ang panga niya at nag-aapoy sa galit ang kaniyang mata.

Umayos ako ng upo at kinuha ang unan sa tabi ko na nilagay ko sa tiyan ko at saka tinakpan gamit ang makapal na kumot.

The Unwanted Marriage (On-going)Where stories live. Discover now