Chapter Twenty-Two

258 12 5
                                    

THE UNWANTED MARRIAGE
Chapter 22


"HOW ABOUT AMANDA? She's pregnant with your child, Zach." Iyon kaagad ang unang lumabas sa bibig ko matapos ang kaniyang sinabi.

Tinignan ko ang magiging reaksyon niya sa sinabi ko at mababasa ko sa kaniyang mukha ang pag-aalala na kahit kailan hindi ko nakita kapag ako na ang usapan. Hindi kaagad nakasagot si Zach sa tanong ko. Parang pinipiga ng paulit-ulit ang puso ko ngunit mas pinili kong manahimik at itago ang sakit.

Malalim akong humugot ng hininga. "I think you should rest. Mukhang hindi pa malinaw ang pag-iisip mo." Nilagpasan ko siya pero bago pa ako tuluyang makalayo sa kaniya nahuli niya agad ang kamay ko.

"Alam ko mahirap paniwalaan ang sinabi ko dahil sa malaking kasalanan ko sa iyo, pero seryoso ako na gusto ko ayusin ang relasyon natin bilang mag-asawa." Napapikit ako habang pinipigilan ang sarili ko na maiyak.

Idinilat ko ang mata ko at hinarap siya. Lumunok ako bago nagsalita. "You wanted to fix our marriage for Amanda, right? Kasi nalaman niya ang relasyon natin, tama ba?" Walang pagaalinlangan kong tugon.

Natahimik siya sa sinabi ko. Nanatili ang mata niyang nakatingin sa akin at naramdaman ko ang unti unti niyang pagbitaw sa palapulsuhan ko.

Mapait akong napangiti, "see? Hindi mo magawang itanggi kasi totoo, 'di ba? Narinig ko lahat kung anong sinabi mo sa akin kanina. Maybe you thought I was Amanda and you wanted to fix everything pero napa-selfish mo, Zach. Ang selfish mo para i-sacrifice ako, saktan ng paulit-ulit, at isumbat sa akin na kasalanan ko lahat..." Nag-init ang sulok ng mata ko.

"... ilang araw akong nawala sa bahay pero nagawa mo ba akong hanapin? Kausapin? Kumustahin o dalawin man lang tapos ngayon, gusto mong ayusin ang relasyon natin kasi ano? Nalaman ni Amanda na kasal ka sa akin." Panunumbat ko habang pinipigilan ko ipakita ang emosyon ko.

"I'm sorry." Makling sagot niya pero sapat na iyon para masagot lahat ng katanungan ko.

I smiled painfully. "Para kay Amanda gusto mong maayos ang relasyon natin. Should I thank her?" Sarkasmo kong wika.

I clenched my fist. "Three months. Let's give our marriage a change after then we'll talk about your relationship with Amanda." Zachary looked shocked, but he composed himself immediately.

Tipid siyang ngumiti, "thank you." I saw relief in his eyes and even if I am not the reason he wants to fix this marriage. I am glad to see him smile because of my decision.

A selfless kind of love. Kahit na ako ulit ang masasaktan sa huli, pipiliin ko pa rin ang kasiyahan mo. Pero, ito na ang huling pagkakataon na hahayaan kong masaktan ang sarili ko. For the next three months, I hope everything will change.

"Thalia?" Napalingon ako kay Zach ng tawagin niya ang pangalan ko.

Hindi ako tumugon, nanatili lang akong nakatingin sa kaniya.

"Let's go home." Inilahad ni Zach ang kamay niya sa harap ko at tinignan ko iyon saglit bago tahimik na tinaggap ang kaniyang kamay.

Naglakad kami papunta sa elevator pero napatigil ako bigla ng mapagtanto kong hindi siya pwedeng magmaneho dahil sa nakainom ito.

"Wait." Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng pants ko.

"What's wrong?" Naguguluhan niyang tanong sa akin.

"Let's call kuya Bert to drive us back home; I won't let you drive." Sabi ko habang dinadial ang number ng family driver namin.

"Hello, kuya Bert. Pasundo naman po kami ni Zach dito sa condo niya." Sambit ko at saka ko sinabi ang address ng condo ni Zach.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Unwanted Marriage (On-going)Where stories live. Discover now