Chapter Two

616 24 0
                                    

Chapter Two

I smiled and pulled my hand. He gracefully nodded and grabbed his beer.

Kinurot ko iyong gilid ni Chester ng pabiro bago ako tumalikod sa kanila. Kailangang ipakita ko na hindi ako gaanong ka-interesado sa kanya para ma-curious naman sya at magtanong kay Ter.

Sana...

Bumalik ako sa tabi ni Cheska. Lahat sila sa table ay nakatingin sa akin.

"So?" Cheska asked.

Kumibit balikat ako at sumimsim sa beer.

"Sabi ko naman sayo, hindi interesado yan sa date date." Mapanuyang sabi ni Betsy.

I silence her. Kitang tahimik na nga akong nagdadasal na sana naman ay magpakita sya ng kahit konti lang...

Ngumuso ko nang sumulyap sa table nila Ter. Taimtim silang naguusap na dalawa, actually lahat naman ng nasa table kaniya kaniyang usapan. So, I just gave up and sighed.

Tumayo ako at sinenyas sa mga kasama ang buffet table. Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Cheska at dumiretso lang ng lakad sa buffet. Nagugutom na ako at mukhang hindi naman interesado sakin si Maru, sayang lang.

Dumampot ako ng pinggan at namili na ng pagkain. Nagda-diet ako pero natetempt akong kumain ng kanin kaya ngayon lang naman. Sumandok ako pati ng ulam doon bago ko naramdaman na may tumabi sa akin.

Pasimple akong sumulyap sa kanya at nakita kong si Maru iyon. Kumukuha sya ng lechon pero hindi man lang ako sinusulyapan. Ganun sya kawalang interest sa akin?

"Hi." I greeted him. Di ako nakatiis. Lakas ng hatak.

He glanced at me and continue what his doing. Pinigilan kong mapanguso.

"Hi," sagot nya.

"Pulutan?" He just nodded.

Grabe. Lawyer ba to? Eh ang tipid ng mga salita. Paano sya nakikipagsagutan sa korte?

Okay fine. Tinapos ko nalang ang pagkuha ng pagkain ko at iniwan na sya doon. Ano ba iyan!

Everyone was having their own conversation while me, I'm enjoying my food here. Sumusulyap naman ako sa pwesto nina Maru, kasi hindi ba talaga sya lalapit para tanungin ang number ko? Like, konting chikahan lang. Wala talaga?

Sinilip ko ang wrist watch ko. Wala pa akong matinong tulog ngayon kasi tinapos ko ang daily sales ko at may kontian na party din kagabi.

"Aalis na daw sina Mama." Cheska infromed me.

I looked at Mama. She's smiling at me. Tinanguhan ko sila ni Papa bago sila umalis.

Maya maya pa, isa isa na din silang umalis. Tumayo na din ako.

"Sabay na tayo, Van." Ani ng kambal ko.

"Huwag na. Out of the way ang bahay ko."

"Kahit na."

"Sige. Cr lang ako."

Pumasok ako sa bahay nina Chester at dumiretso sa cr para mag ayos na. Nang makalabas ako, busy na si Cheska sa cellphone nya.

"Uuwi ka na diba, Vani?" Betsy asked me.

"Yeah. Sabay na ako kay Cheska." Hinalikan ko na sa pisngi sina Riva. Tyaka lumapit ako kay Ter. "Ter, I'll go. May trabaho pa ako mamaya."

"Okay. May kasabay ka?" I was about to answer when he tapped Maru's shoulder. "Sabay na kayo ni Maru, pareho naman kayong pasay."

Nagkatinginan kami and afterwards, he smiled.

French Vanilla (Coffee Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon