Chapter Three

546 21 1
                                    

Chapter Three

We were quiet the moment we left the coffee shop. I am slightly pissed that my blouse has some coffee stain now. Damn that bitch, walang breed.

"I have some spare tshirts in the back."

"Ugh, pasensya na sa abala."

"Hindi abala ito."

Pinatunog nya ang sasakyan nya at mula sa duffel bag ay may nilabas syang black tshirt na may logo ng isang university. He handed that to me.

"Tinted naman itong sasakyan mo diba?" I asked him.

"Yeah. Magpalit ka na."

Pumasok ako sa loob at saglit na namangha sa amoy nyang nanunuot sa ilong ko. I stripped off my white blouse and wore the tshsirt. Shems, ang bango bango naman, parang hindi na ata makakabalik itong tshirt sa kanya ah.

I giggled and fold my blouse bago bumaba. Mabilis syang napabaling sa akin. I smiled.

"Babalik ko nalang ito." Hinimas ko ang tshirt. Tinuck in ko nga at medyo malaki sa akin.

"Okay. Comfortable?"

Tumango ako kahit medyo uneasy kasi ang laki tas naka-nipple pad lang ako.

"San ka after this? I'll drop you off."

"Ah, hindi. Pauwi na din ako. Baka may errands ka pa."

Tumitig sya sa akin. Sure ba talagang hindi nya hiningi kay Ter ang number ko? Hindi ba talaga sya interesado sa akin? Gentleman lang ba sya talaga?

His phone rang. Nag-excuse sya at sinagot iyon. Sinamantala ko naman ang sarili ko sa pagtitig sa bulto nya. Damn, so fine. From the broad shoulders to his butt. Swerte ng magiging girlfriend, at sana ako nalang.

Humarap sya kaya umiwas ako ng tingin.

"You sure you don't want me to drop you off?"

"No." Winagayway ko pa ang kamay ko sa harapan nya. "I'll hail a cab nalang. Thank you uli at pasensya."

"No worries."

"See you around, Maru." Pahabol ko nang sumakay na sya sa sasakyan nya.

"Take care." Aniya.

Tumalikod na ako para nga ipakita ko na hindi ako interesado. Kaso nakapara na ako't lahat ng taxi, walang humabol sa akin para manghingi ng number. Ano ba iyan? Manhid ba iyon?

--
Good Thing na hindi naman nagviral iyong video na kinuha sa akin ni Tina. Matakot talaga sya at sabi nga ni Maru, pwede ko syang sampahan ng kaso. Isaksak nya sa pepe nya si Leimer! Mga bwusit lang sa buhay.

One month na din simula noong huli kaming magkita ni Maru, at hanggang ngayon, wala pa din syang text man lang. Wala na ba talaga? Kailangan ko na bang kumilos?

Ano bang magagawa ko? Type ko talaga sya, promise!

Kainis naman.

Busangot ako buong duty ko. Pero nakaraos naman. Tumambay muna ako sa Home Gallery shop pagkatapos ng duty ko. Papasikat palang ang umaga at gusto ko lang masilayan iyon bago ako umuwi.

"French Vanilla for Miss Vani."

I stood up and grab my order. Humingi din ako ng tissue bago lumakad papalabas. Dumiretso ako ng uwi sa apartment ko at nagbawi ng tulog.

"WHAT is Maru's type, Betsy?"

Huminto sya sa pagtapik kay Cliff at binalingan ako. Pagkatapos kong mag-jogging, dito ako dumiretso para mangamusta.

French Vanilla (Coffee Series)Where stories live. Discover now