Chapter Seventeen

393 21 1
                                    

Chapter Seventeen

I was quiet inside his car. Thinking deeply.

"Babe, is there something wrong?"

Nagmulat ako at bumaling sa kanya. Sumusulyap sya sa akin habang nagmamaneho.

"Bakit?" Bulong ko.

"What babe?"

I shooked my head.

Nang makarating kami sa apartment ay mabilis kong kinalas ang seatbelt at humalik sa pisngi nya bago bumaba.

I even heard him call me pero hindi na ako lumingon dahil baka makita nya iyong pag iyak ko.

Kinabukasan, nagkulong lang ako sa loob ng apartment. My phone's kept on ringing. Maru's been calling me since this morning. Ngayon kasi iyong meet up namin with his grandmother. Pero hindi ako pupunta!

Tama na! Masyado na nya akong pinapaikot sa palad nya.

Nag empake ako ng mga gamit ko dahil nagpasya akong sa apartment nalang muna ni Cheska para mas makatipid kaming dalawa.

Dinaanan ni Cheska iyon sa bahay. Tahimik lang sya pero duda kong nakikiramdam ito sa bawat kilos ko.

"Hindi totoo lahat, Ches." Sabi ko habang papasok sa apartment nya. "Pinaikot at ginamit nya lang ako para iplease ang Lola nya."

Cheska stop what her doing and faced me. Kumurap sya.

"Vanilla.."

"Ang gago lang diba? Ako lang pala ang totoo sa aming dalawa." Tumawa pa ako at sinapo ang noo ko.

"Actually, I find out that Maru's grandmother, sya iyong pinagsanlaan ng gulayan nina Papa before."

"Shit." Umiling ako. "So, I know now why he suddenly approached me! Ang tanga ko."

"I'm sorry, Vani. What's your plan?"

"Babayaran ko na sya. Wala nang rason pa para magpanggap sya."

"If you need help, I'm just here."

TINITIGAN KO ang pangalan ni Maru sa cellphone ko. Pang ilang tawag na nya siguro ito.

Maru:
Where are you?

Maru:
Damn it. Vanilla!

Maru:
Please answer my calls.

"Cheska, pwede mo ba akong ipagdrive?"

"Sure. Where to?"

Ako:
Can we talk?

Maru:
Yes! Where are you? Puntahan kita.

Ako:
Sa Home Gallery nalang.

Nagpahatid ako kay Cheska sa Home Gallery. Dala ko din iyong pera na pangbayad. Since Lola naman ni Maru ang pinagsanlaan namin, iaabot ko nalang sa kanya iyon. Baka kasi hindi ko na makayanang makita ang pamilya nya pagkatapos ng lahat.

"I'll wait for you here." Ngumiti si Cheska sa akin.

"Thank you, Ches."

Hinalikan ni Cheska ang pisngi ko bago ako bumaba. Bumuntong hininga pa ako at hinigpitan ang pagkakahawak sa sobre. Natanaw ko na si Maru sa loob, sa dati naming pwesto.

Tinulak ko ang double doors at mabilis na bumaling sa akin si Maru. He stood up and meet me half way pero umiwas ako sa kanya at umupo na.

"Where have you been? I was calling you. Diba ngayon iyong--"

"Will you cut it, Maru?!"

"Ano?"

"Sabihin mo na ang totoo. Hindi mo na kailangang magpanggap pa."

French Vanilla (Coffee Series)Where stories live. Discover now