Chapter Twenty Two

493 20 0
                                    

Disclaimer: pasensya na po sa poor explination about hearing. Binase ko lang po sa mga naririnig ko iyan. please do understand po. Salamat.

Chapter Twenty Two

I quietly watched how Maru explain in the middle. Ibang iba sa Maru na kasama ko. Tipid ang bawat salita pero may mga laman iyon.

This is actually the first time watching him inside the court. Kapag kasi may hearing sya, hindi ako pumupunta. Naririnig ko nalang na ruthless nga sya sa loob ng court room.

Matapang pa din ang mukha noong Alissa kahit na binabato na sya ni Maru ng mga ginawa nya. Kung bakit naman kasi nag iwan ng ebidensya.

"That's all, Your Honor."

Maru went back beside Cheska. Nagbulungan silang dalawa bago hinanap ng mata ni Maru ang pwesto ko.

Wala naman akong masyadong naintindihan sa hearing. Pero ang alam ko lang, pinaglalaban pa din ni Alissa ang lahat ng alam nya. And being Cheska, hindi sya makakapayag sa ginawa ni Alissa sa kanya.

After the hearing, napatunayan na si Alissa nga ang may gawa ng mga binato na paratang ni Maru sa kanya.

Cheska was smiling after the small hearing ended. Nilahad nya ang kamay kay Maru.

"Thank you. Eventhough hindi maman gaanong kalaking problema to, naresolbahan mo at pinaglaanan mo ng oras."

"No worries. I'll go now."

"We'll have late lunch. Why don't you join us?"

"I have some appointment. Next time." Tumango si Maru at bumaling sa akin.

I bit my lower lip and cleared my throat. Marahan din syang tumango sa akin bilang pamamaalam.

PUMIKIT ako at bumuntong hininga bago nagdesisyon na tapusin na ang ginagawa ko. Nagsusulat nalang kami ng incentives ni Sky ngayon.

"Bale pala, huling raket ko na muna ito."

"Huh? San ka?"

"Pahinga. I need to focus on something din kasi."

"Okay, keep safe always, Sky."

Matapos naming mag ayos ay dumating na iyong van para kunin ang mga ginamit namin. Ma'am Roan gave our payslip for the past two days.

Kumaway ako kay Sky nang makaalis sya. I was about to turbed my back when I saw Esmeralda Ruiz with Miranda on her side. Si Mira ang unang nakakita sa akin.

"Ate Vani!"

Natigilan ako nang mapabaling na din sa pwesto ko si Esmeralda Ruiz. Ito din ang unang pagkikita namin uli matapos namin maghiwalay ni Maru.

I forced a smile at Mira. Niyakap nya pa nga ako sa sobrang tuwa nya.

"Ate! Kamusta??"

"I'm okay. Ikaw?" Iniwasan kong mapatingin kay Lola kasi hindi ko alam kung paano sya kakausapin.

"Same as always! Ay ate, wanna join us, magsnack kami ni Lola?"

Ngumiwi ako at sumilip sa cellphone ko. I need to think of an alibi.

"May aasikasuhin pa kasi ako. Some other time nalang." Marahan akong tumango.

Ngumuso si Miranda.

"Importante ba, hija?" Lola asked.

Tumango ako. "I'm sorry po pero I really need to go."

"Ate can I have your number nalang?"

I don't have the heart to turned down Miranda's request kaya binigay ko ang number ko. Pagkatapos ay nagpaalam na ako uli at tumalikod sa kanila.

French Vanilla (Coffee Series)Where stories live. Discover now