Chapter Eight

400 17 0
                                    

Chapter Eight

Kunot noo kong kinapa ang cellphone kong kanina pa nag iingay. Nahulog pa ako sa kama ko bago ko tuluyang maabot iyon.

I didn't bother to check the caller ID, I just answer it right away.

"Hmm?"

[Great! May gagawin ka ba ngayon?]

"Sky?" Antok ko pang sabi.

[Yeah. Gusto mo trabaho?]

Bumangon ako at humikab.

"Now na?"

[Actually yes. Kanina pa kita tinatawagan and I guess nagising kita?]

"It's fine. Saan ba?"

[Doon pa din. Eh kasi Sir Andre requested for you.]

Binuksan ko ang kurtina para pumasok ang sinag ng araw sa loob ng kwarto ko.

"Okay. Mag aayos lang ako."

[Okay! Ingat ka!]

Binaba ko na ang tawag at nag-inat pa. Sapat naman na iyong tulog ko, medyo naging busy ako dahil sunod sunod ang naging costumer ko sa pagbili ng condo. Pinatos ko na dahil kailangan ko na ding magbayad ng apartment sa katapusan.

Matapos kong maligo ay umalis na agad ako. Doon nalang ako kakain ng almusal.

Sinalubong ako ni Sky nang makarating ako sa booth namin. Pinatong ko lang iyong apron sa suot kong white polo shirt. Ipinuyod ko na din ang buhok ko.

"I ordered coffee. Kasi alam kong hindi ka mag almusal." Nagulat ako nang magsalita si Sir Andre sa gilid ko.

"Uh, nag abala pa kayo, sir."

"Eto para sayo, Sky." Inabutan nya din si Sky at ngumiti. "Balik ako mamaya, good luck girls."

Inayos ko na ang product sa tray pero nahagip ko ang titig ni Sky sa akin.

"Confirmed nga na may gusto sayo si Sir Andre."

"I'm not really interested."

"Bakit? Mukha namang okay si Sir."

Kumibit balikat ako at nghanda na para sa trabaho. Sky kept on asking me.

"May hinihintay ako."

"Sino?"

"Future Attorney."

"Ay! Syara!"

Napailing nalang ako sa sunod na tanong nya. Nagpadala ng lunch si Sir Andre sa amin, mas lalong nanukso si Sky sa akin.

Maru:
Day off ka?

Ako:
No. May inasikaso ako sa opisina ngayon. How's reviewing?

Maru:
Still the same.

Maru:
Can we see each other later?

Ako:
Okay, text me.

And just like that, energetic na uli ako kaya aliw na aliw si Sky sa pagbebenta ko.

Nagpahinga ako sa tabi nang matapos ang trabaho. I checked ny phone and saw two missed calls from Maru.

I tried calling him pero puro ring lang.

Ako:
Sorry. Got busy.

Ako:
Pa-out na ako. Saan tayo magkikita? Home Gallery?

"Thank you for today, Sky and Vani." Ani Sir Andre.

"Thank you din po, Sir."

Tulad nang dati, inabot na din agad ni Sir Andre ang kita namin para ngayon. Hindi kalakihan pero ayos na din.

French Vanilla (Coffee Series)Onde histórias criam vida. Descubra agora