Chapter Six

416 17 0
                                    

Chapter Six

Pinitik ni Cheska ang noo ko kaya naman napawi ang ngiti ko.

"What?"

"Alam mo, Vani. Ang creepy mo na." Aniya. "You kept on bitting your lips then you'll smile."

Umayos ako ng upo at hinarap sya. Kinilig akong humawak sa magkabilang balikat nya.

"Guess what?"

"Hindi ako manghuhula." Sumimangot ako. "Pero what happened?"

"Nagkiss na kami."

"Oh my god! Ang landi mo!" Hinila nya pa ang buhok ko. "Is this for real na ba talaga?"

I nodded repeatedly. "Nararamdaman ko talaga, Vani. Ito na yung hinihintay ko."

"Aww. Finally, I'm happy for you!" Cheska smiled. "Pero Twinny, kayo na ba?"

Oh that, sure naman na.

"Pagtapos ng BAR exam nya."

"Oh? That's two months from now. Himala at mahihintay mo?"

Mayabang akong ngumisi. "You know, alam ko namang akin na sya."

"Naging honest ka na ba sa kanya?"

I pouted. "O-oo naman."

"Kambal tayo ha. Alam ko kapag nagsisinungaling ka."

Umirap ako at lumumbaba. "Paano kung umayaw sya kapag nalaman nyang ganito lang ako?"

"Ano bang definition mo ng ganito lang ako?"

"Babae lang, walang patutunguhan."

Dahil sa sinabi ko ay nasipa ako at nahulog sa kinauupuan ko. Sinamaan ko ng tingin si Cheska at tumayo.

"Ano ba!"

"Hindi ka basta babae lang. Nagsisikap ka naman diba?"

"Pero hindi pa ako stable."

"Eh ano ngayon? May trabaho ka naman diba? Ang arte mo, alam mo ba iyon?" Inis nyang sabi.

"Attorney yun! Attorney!"

"Ngayon mo lang talaga naisip iyan? Binalaan ka na namin before diba?"

"Ano bang magagawa ko? Gusto ko talaga sya, Cheska."

"Nasayo na diba, alagaan mo nalang. Iwasan mo iyong mga naging attitude mo before para hindi ma-turn off sayo."

Kanina pa ako nakauwi sa apartment galing sa raket ko ngayon. Nakakapagod pero kailangan kong kumayod.

Sinilip ko ang cellphone ko at nakita ang isang text galing kay Maru. Kanina pa iyon at sa oras ngayon, abala na iyon sa pag rereview. Malapit na din kasi iyong BAR exam kaya hindi ko na din muna sya ginugulo pa.

Sa sumunod na araw, pinatawag kami sa Office para sa paghahati ng trabaho ngayon. Inayos ko ang pencil cut skirt ko at sinalubong ang mag asawa na instik na itutour ko ngayon sa buong building para sa bibilhin nilang condo.

Iyon ang pinagkaabalahan ko ngayon.

Hinilot ko ang sentido ko ng matapos kong ma-i-close deal ang isang bachelor type na unit. Kahit papano, nawala iyong pagod ko kasi may nabenta naman ako.

Umilaw ang cellphone ko kaya mabilis kong kinuha iyon. I smiled when I read Maru's name on the screen.

"Hi,"

[Hey. Nasa work ka pa?]

"Yes. Pero mag-a-out na ako. Hmm? Why? Miss mo na ako?" I tried to joke.

French Vanilla (Coffee Series)Where stories live. Discover now