Kabanata 8: Promise

56 4 0
                                    

Kabanata 8: Promise

"Ngumiti ka talaga, promise."

Marahang sinara ni L ang Bible na binabasa at nanatili lamang ang titig sa akin. I was sitting right in front of him. Busy siya magbasa habang ako'y kanina- I mean, kahapon pa siya kinukulit.

"Eliza... You keep on talking about that since yesterday until we got home..." Halatang pagod na siya.

"Totoo naman kasi." I smirked. "Ngumiti ka. Syempre, once in a blue moon lang iyon."

Napailing siya nang dahil sa sinabi ko.

"Wala ka bang ibang pwede na topic? Paulit-ulit ka sa ngiti ko." Nang makita niyang sasabat ako ay agad siyang nagsalita pa. "Na hindi naman talaga. Hindi ako ngumiti." Aniya.

Nginusuan ko siya. Naunahan niya ako don. Umisip tuloy ako ng bagong topic.

"Oo nga pala. Ano? Nagustuhan mo ba ang Bible?" Excited kong tanong.

"Yeah... Pero nahihirapan pa rin akong umintindi."

"No pressure." Banggit ko sa kaniya. "Wala namang humahabol sa 'yo. Basta gawin mo lang kung anong makakaya mo. Huwag mong isipin kung fast or slow pace. Ang isipin mo, safe kang makakagawa. Doon tayo sa hindi delikado."

"Dry joke," Blangko niya akong tiningnan.

"Hindi ako nagbibiro 'no! Seryoso ako!"

He gave me a sarcastic smile. "Oh yeah. I forgot. Ganon ka rin pala kapag seryoso."

"Cute mo. Isa pa nga?" Asar ko.

Agad na bumagsak ang ekspresyon niya. Natawa ako.

"Stop getting excited by teasing me. Kung gusto mo ng magpapatawa sa 'yo, why don't you hire a clown?"

I pouted because of what he said. "And here I am thinking na medyo bumait ka na."

He looked away. Probably embarrassed because of what I said.

Maya-maya ay hinila ko siya papunta sa sala. He sat on the couch. Ngunit nang makitang tatabi ako sa kaniya ay agad siyang umusog hanggang sa pinaka-dulo.

"Excuse me? Kung makalayo para akong may malalang sakit?" Umarte akong nasaktan dahil sa ginawa niya. Exaggerated pa akong tumingin sa kaniya.

He looked so done with me.

"Huwag kang lumapit masyado sa akin." Diretso niyang sabi. He sounded calm even though I was exaggerating my reactions too much.

"Why naman?" Umupo ako sa kabilang dulo.

I heard him sighed. "You're a woman and I'm a man. I hope that's enough to give you the idea in my mind,"

Nagkunwari akong nag-iisip at hindi nakuha ang sinabi niya. "Huh? Ano naman masama? Wala naman tayong gagawin na bawal. We're only... gonna talk."

He glared at me. Doon na ako tumawa.

"Okay, okay, I'm kidding!" Tinaas ko pa ang dalawa kong kamay upang mapakita sa kaniya na sumusuko na ako.

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong niya habang binubuklat ang Bible, wala ang tingin sa akin.

Saglit akong tumigil at nag-isip. Ano nga ba ang magandang pag-usapan? Well... I need to help him, right? And by helping, ibig kong gawin ay ang ipakilala sa kaniya ang Diyos. I want to explain God's purpose to us. I want to give him motivation and help him tackle his problems.

But where do I really start?

"L..." I called him.

Nag-angat siya ng tingin. Our eyes met. His eyes were dark, seething with curiosity.

Always Here (Salve Series #1)Where stories live. Discover now