Kabanata 2: Help

74 3 0
                                    

Kabanata 2: Help

"The patient's..."

I closed my eyes. That brute should be alive! I swear! He should be! Ginulo na niya ang buhay ko, he will pay for it!

I'll be so nice to him that he'll be guilty na sinama niya ako noon sa pagtalon sa ilog!

"W-What happened?"

"The patient's.." He sighed, feeling relieved. "Mabuti at naagapan siya. If you hadn't pressured his wound, baka mas maraming dugo ang lumabas. We're just fixing his room, ilalabas na siya ng emergency room mamaya."

Tumango ako. Pagod akong napaupo ulit sa gilid, kung nasaan ang mga upuan. Pumikit ako ng mariin.

Damn this man! I'll make sure that he WILL see the beauty of life.

"Ma'am, what's the patient's name po?" A nurse asked me.

Napadilat ako. "U-Uh... I know him, but I don't know his name..."

Mukhang natigilan ang nurse at tumango na lamang.

"S-Sige ho..." Hindi nakatakas sa akin ang pag-ngiwi niya. "Itatanong na lang ho sa pasyente pagkagising niya. He's most likely to be awake in the next 24 hours."

Tumango ako. Nang maayos ang kwarto ay binisita ko na siya doon. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa sinapit niya o hindi. Ginulo niya ang buhay ko, well, indirectly pero ganun pa rin iyon.

Sa sinapit niya, hindi ko na alam ang gagawin ko. Why was he even stabbed? Hindi ko alam. Kailangan ko siyang tanungin kapag nagising na siya.

Inayos ko siya sa pagkakahiga sa hospital bed bago umalis muna para bumili ng mga pagkain at necessities sa convenience store ng ospital.

Good thing, may malapit na ospital sa condo ko. Pagkabili ko ay umuwi na rin muna ako sa condo para magpalit ng damit at magbaon ng kahit konti. Wala akong damit panlalaki but... I have some big clothes. Yung mga oversize, pero sa laki ng taong 'to... Sana kumasya.

Baka bilhan ko na lang siya sa susunod na araw. Bumalik din ulit ako sa ospital agad pagkatapos kong kunin ang mga kailangan.

The doctor even handed me the medications na kailangan kong bilhin para sa kaniya. Huminga ako ng malalim.

I was walking back to his room when I heard shouts. Natigilan ako ng lumabas ang isang babaeng nurse at nagitla pa nang makita ako.

"What's wrong?" Tanong ko. She looked scared.

"M-Ma'am... ayaw po kasing magpagalaw nung pasyente. Titignan lang po sana ang vitals niya,"

Sumilip ako ng bahagya sa loob ng kwarto dahil bahagyang nakaawang iyon. I sighed when I saw his blank face looking at our direction.

"Ate, wait lang po. Tatawagin ko na lang ho kayo ulit. Sorry," I apologized to the nurse on behalf of him and entered the room.

Ibinaba ko ang mga gamit ko doon sa may gilid ng couch bago siya nilapitan at dahan-dahan na umupo sa tabi niyang silya.

"Are you fine?" Tanong ko.

"Do I look fine to you?" Tinaasan niya ako ng kilay.

I bit my lip to stop myself from saying rude things. Ang lalaking ito, tinulungan ko na nga siya tapos ganito pa ang magiging trato niya sa akin?

Why did he even come to me in the first place?

"What did you do? Natakot yung nurse. Kailangan lang naman niyang i-check ang vitals mo,"

His eyes remained cold while looking at me. "Ayoko."

"Kailangan 'yon-"

"I said no."

Always Here (Salve Series #1)Where stories live. Discover now