Kabanata 18: Mahal

55 5 0
                                    

Kabanata 18: Mahal

Everything went fast than what I expected. Nung isang araw ay iniisip ko lang ang pagbalik ni L. Inisip ko na baka hindi na ako maalala, kilala, at baka 'di na tuparin ang naging pangako noon. Tapos sa isang iglap ay nandon na siya sa harapan ko. Na-miss daw ako, gustong halikan, at salamat kay God.

Hinila niya ako papunta sa kwarto niya noon dahil na-miss at hindi ko inaasahang darating sina Mama at nahuli kami. Pinasunod ni Papa si L para kausapin at sinabihan ako ni Mama na jackpot si L.

At ngayon... magkatabi kami ni L habang katapat niya si Papa sa lamesa at ako nama'y si Mama ang kaharap.

"You're L? Levi Ryker Valdez?" Banggit ni Papa.

Tumango si L. "Opo."

"The CEO?"

"No sir. Levi lang po." Medyo kinakabahang sabi ni L.

Kahit naman hindi niya sabihin ay nararamdaman ko na hindi siya mapakali. At siguro napapansin din nina Papa.

"Humble, huh..." Umarko ang isang kilay ni Papa habang mariing sinusuri si L.

"No sir. Gusto ko pong humarap sa inyo bilang ako lang po. Walang CEO na nakakabit sa pangalan ko. Nandito po ako sa harapan niyo bilang si L na tinulungan ng anak niyo, si L na nagpapasalamat at humihingi ng tawad dahil ngayon ko lang po kayo makakausap."

Tumikhim si Papa at umayos ng upo bago nagsalita ulit.

"Nakwento na sa amin ni Eliza ang lahat pagka-alis mo." Sumulyap siya sa akin kaya nahihiya akong napayuko. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, gusto mo ba ang anak ko?"

Para akong mabibingi sa katahimikang dumaan. Magsasalita na sana ako para matulungan si L dahil baka mamaya ay hindi siya komportable ng mauna siya.

"Yes sir..." Wika niyang walang halong pagdadalawang-isip. "Gustong-gusto ko po si Eliza."

"Gaanong kagusto?"

"Pinagdadasal ko po siya sa Panginoon."

Nakita ko ang maliit na pagngiti ni Mama ngunit agad siyang sumeryoso ng lingunin siya ni Papa.

Pumikit si Papa atsaka tinapunan ako ng tingin.

Akala ko'y magagalit siya o ano ngunit nagulat ako ng ngumiti siya.

"I understand what happened to the both of you." Tiningnan niya si L na nakatingin sa akin ngayon pero ng makitang nilingon siya ni Papa ay agad umayos ng upo. "Alagaan mo ang anak ko, L."

'Yun na 'yon? Napakurap-kurap ako. Wala na silang ibang sasabihin? 'Yun lang talaga?

"Yes sir!" Kulang na lang ay sumaludo siya.

"I'm glad to see you obeying and adoring God. Ipagpatuloy mo 'yan hijo. To see you like this after hearing your story, I' m happy you chose to survive." Sincere na sabi ni Papa.

"Have a good life ahead, hijo!" Singit ni Mama.

Inaasahan kong marami pa silang babanggitin pero... Mukhang wala na talaga.

Nahihiyang ngumiti si L bago ako sinulyapan. "Magaling po mag-alaga ang anak niyo. Pasensya na po dahil kinailangan kong umalis para ayusin ang lahat bago ko siya balikan at mahalin ng todo ngayong buo na ako..."

"She had a hard time indeed." Tumango si Mama. "But I guess... Aside from God's grace, may hinihintay siya kaya hindi sumuko..."

I bit my lower lip. Hindi naman kailangan sabihin ni Mama iyon. Nakakahiya.

Nilingon ako ni L. "Masaya akong... Maayos ka."

Sa ilalim ng lamesa, ramdam ko ang pag-abot niya sa kamay ko. I gulped before slowly gazing at my parents. Nakangiti sila.

Always Here (Salve Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu