Kabanata 12: Forget

46 4 0
                                    

Kabanata 12: Forget

"Good to see you again, Eliza. Antagal kitang hindi nasilayan dito sa simbahan..." Bati sa akin ng isa sa mga madre.

Nahihiya akong ngumiti at bahagyang yumuko para magbigay galang.

"Pasensya na ho, medyo dumami lang po kasi ang mga responsibilidad sa buhay. Nakakapunta naman po ako rito kaso saglitan na lang po kaya siguro hindi niyo ako nakikita. Pero hindi ko naman nakakalimutang magbasa ng salita Niya araw-araw, Sister..."

"Mabuti iyon. Alagaan mo rin ang sarili mo ha? Hindi biro mabuhay sa mundong ginagalawan natin. Lahat ng mabait, natatapakan kaya higpitan mo ang kapit sa Diyos." She tapped my shoulders lightly.

"Opo..."

Muli siyang ngumiti bago nilingon ang kung ano sa aking likuran. Bumalik ang tingin niya sa akin na may nanunuksong kurba sa labi.

"Sino iyon? Nobyo mo?" Tanong nito.

Sinundan ko ang tingin niya. Nakita ko si L na nakaupo sa isang aisle. May mga batang nakapalibot sa kaniya. All the kids were curious and boldly eyeing L. I could feel him getting restless kaya napailing-iling ako habang nakangiti.

"Kaibigan lang po, Sister." Sagot ko bago magpaalam upang lapitan si L at ang mga bata.

"Ate! Ate!" Bati sa akin noong mga kilala na ako dahil lagi kong nakakausap.

"Bakit mga bata?"

"Sino po siya?" Sabay duro nila kay L.

Nagulat ako sa ginawa nila ngunit nang makabawi ay dahan-dahan na ibinaba ang mga kamay ng mga bata. L was shocked for a bit but still managed to compose himself.

Umupo ako sa tabi ni L. Ang mga bata ay nandoon sa bukana ng aisle, kung saan nasa dulo si L. Talagang inaabangan ang sagot ko ng mga bata.

"Kaibigan ko lang siya..." Pag-uulit ko sa sinabi kanina kay Sister. "Ngayon niyo lang siya nakita? Madalas ko na siyang sinasama dito ah..."

Hindi sila sumagot at ngumuso lang. Nagulat ako ng may isang bata na tinusok ang pisngi ni L. L didn't even move an inch. Diretso lang ang tingin sa harap. Bahagyang kumunot ang noo niya, hinihintay kong magalit ngunit hindi umimik.

Kung kanina ay mukhang hindi mapakali, ngayon ay mukhang wala na siya sa mood.

"Naku, 'wag." Agad kong suway sa bata. "Baka magalit siya sa inyo."

Dahil sa sinabi ko ay bumaling sa akin si L. "I won't."

My lips parted. Nagtagal ang tingin ko sa mata niya. Kinalaunan ay siya ang unang nagbawi ng tingin at hinarap ang mga bata.

"Hi. I'm... L." Sambit niya.

Napangiti ako habang tinitingnan si L. I'm glad that he's starting to open himself to other people and to the world. Naalala ko pa ang dahilan ng pangalan niyang 'L'. Masaya ako dahil iyon na ang nagagamit niya upang ipakilala ang sarili.

O baka naman... Nasanay lang siya dahil sa akin. Iyon lagi ang tawag ko sa kaniya. I couldn't imagine calling him Levi. Other than Ryker.

"Wow! Isang letter lang po talaga?" Tanong ng mga bata.

Umiling si L. "No uh... For special people lang pero..." Lumingon siya sa akin at nang makitang nakatingin ako ay agad humarap ulit sa mga bata. "Nasanay na ako sa L. You can call me... Levi too."

"Levi? Levi?" Usisa ng ibang bata.

Tumango si L.

"Kuya, friend lang po kayo ni Ate?" Tanong nila.

Always Here (Salve Series #1)Where stories live. Discover now