Kabanata 15: Alagang Panginoon

53 4 0
                                    

Kabanata 15: Alagang Panginoon

Umalis na si L. The condo feels empty without him na noon na mag-isa ako ay kailanman hindi pumasok sa isipan ko.

Mapait akong napangiti ng maalala na walang cellphone si L. Totoo nga, paano ko siya makakausap kung sakali? Sana pala ay binigyan ko siya noon. Sayang.

Alam ko sa sarili ko na kailangan ko ng sabihin sa magulang ko ang tungkol kay L.

Gusto ni L na ipakilala ang sarili niya pero dahil umalis na siya, ako na ang gagawa muna para sa kaniya. Siguro ay hindi pa ngayon ang tamang oras para harapin niya sina mama. Hindi pa.

Wala sa sarili akong nakaupo sa sala. Nakatitig sa kawalan. Tsaka lang ako nabuhayan ng marinig ang cellphone ko na tumutunog, may tumatawag.

"Hello, Attorney?"

[Eliza...]

My world freezes. "L?"

Siya ba talaga iyan?

"B-Bakit ka tumawag? Gamit mo number ni Attorney-"

[I realized that after everything... I still hadn't got the chance to explain everything.]

"Explain what?"

[This is my last words to you. Hindi ko alam kung kailan kita makakausap ulit kaya... susulitin ko na 'to. Please be patient with me...]

"Makikinig ako..."

[I was young. Probably five or so. Nagpumilit akong pumunta noon sa simbahan... pinilit ko sina Mama...]

Saglit akong napaisip sa sinasabi niya. Nang mapagtanto kung ano ang kaniyang pinapahiwatig, nanlaki ang mga mata ko. Talaga bang... sinasabi niya ang lahat? Ngayon?

[We got into a car accident... Ako lang ang nakaligtas.] There's this pang of controlled pain in his voice. Tila ba ayaw ipahalata, ayaw ipahiwatig na nasasaktan din siya. [T-They say my parents protected me kaya h-hindi malala ang naging tama sa akin ng aksidente...]

"L... I'm here, ayos lang... Andito ako..." Subok kong pagpapakalma sa kaniya.

[I kept on thinking why me? Sa lahat ng maliligtas sa aming tatlo... bakit ako pa ang tinira? Pwede namang ako na lang ang mawala para buhay pa rin sila-]

"Don't say that! Masaya akong nabuhay ka. Na nakaligtas ka dahil sa sakripisyo nila..." Nasasaktan kong sabi. How could he say that again?

[I'm sorry, Eliza...] He apologized before continuing again. [My Tito took me in after that, Mom's brother. He was so angry at me because I was the reason why his sister died. All my life he kept on abusing me... Physically, mentally, and emotionally... I was deprived of the right to mourn for my loss dahil sabi nga nila, kasalanan ko...]

Pumikit ako ng mariin. Hindi ko mawari kung gaanong hirap ang napagdaanan ni L sa kamay ng mga taong dapat ay tinuturing siyang pamilya...

[Then I got tired of everything and decided to just end my suffering and jump of a bridge.] Saglit siyang tumigil na tila ba may iniisip pa. [...That's when I met you.]

Napahigpit ang hawak ko sa telepono.

[That night, I don't know why I followed you afterwards. Kaya ko nalaman ang condo mo. But then days after, I got into a huge fight with my Uncle and he decided to stab me. Tinulungan ako ni Tita na umalis doon. I don't know why but instead of asking for proper help from the police or what... I came to you.]

'Yung panahon na bigla na lang siyang humarang sa akin sa may kotse at bumagsak na puno ng dugo. That scene still haunts me everytime.

"Iyong..." Hindi ko matuloy ang sasabihin ko. I felt like he already got what I meant kahit na hindi ko na natuloy.

Always Here (Salve Series #1)Where stories live. Discover now