Kabanata 13: Close Friend

49 5 0
                                    

Kabanata 13: Close Friend

Sa buhay natin, kung sino pa ang hindi masyadong maalam, sila pa ang maraming sinasabi. People claiming that they love God, saying they go to church always because they're a believer, and that they are good.

Pero bakit ganon? Action speaks louder than words, James' say in his book. A faith without good deeds is dead. But someone who believes but does not reflect God's words... Ano iyon? Joke?

It feels weird to see people talking about God, praising and preaching. Pero kapag nakatalikod, iba na ang nagiging kulay ng budhi.

Hypocrites? Hmm?

But who am I to judge though? Tulad nila, isa rin akong makasalanan. God would know what to do with them. Siya na ang bahala.

"Single? Wala naman yatang problema kung ganon!"

"Iyon nga ang problema! Believer of Christ tapos nagagawang makipaglive-in. Ano iyon? Believer lang tapos hindi naman sumusunod sa salita ng Diyos." I heard some scoffs.

"Bakit ba? Ano bang trabaho? Kung may pera naman, ayos lang."

"Writer tas part-timer. Oh? Writer ha, writer! Writer lang tapos may gana pang magpatira."

Napapangiwi ako sa tuwing makakarinig ng ganyang usapan kapag lalabas ako ng unit para bumili sa baba. People are constantly talking everywhere. Pakiramdam ko nga, may samahan na sila ditong mga nakatambay sa hallway. Is that even allowed?

And honestly... What's the problem with my job? Ano naman kung writer LANG?

Naiiling ako nang makapasok sa unit habang bitbit ang mga binili ko. Maaga kasi akong umalis kanina, natutulog pa no'n si L.

"San ka galing?" Si L na nakasandal sa bungad ng pintuan ang bumungad sa akin. Nakahalukipkip at bahagyang kunot ang noo.

"May binili lang..." Sabi ko habang nagpapalit ng tsinelas.

Mas lalong nagbuhol ang kilay niya. "Nothing... else?"

Natatawa ko siyang nilagpasan. Sinundan niya ako ng tingin. "Wala naman akong iba pang pupuntahan."

"I heard gossips from other tenants, Eliza." Doon ako natigilan.

Hinarap ko siya. Both of his brows are now raised. Looking curious and concerned.

"Wala iyon, L. Huwag mo na pansinin."

What gossips did he hear? Tungkol ba iyon sa mga bulong-bulungan? The things I kept on hearing? He shouldn't be stressed about that.

"Are you sure you're okay?"

Tumango ako at nagpakawala ng tawa. "Tanong ka ng tanong... I told you I'm fine. Promise! Ikaw ah? Concern ka sa akin." Biro ko.

His lips formed a grim line. I bit my lip. Bat pa siya nagagalit? I'm trying my best to comfort him!

"So what if I am?" He replied seriously.

I frozed for a while, trying to let my brain absorb what he just said.

"Nag-aalala ako, Eliza. Obviously, you're not the type to ask for help." He sighed. "Ikaw iyong tipong mamimilit magbigay ng tulong pero kapag ikaw na... Ayaw mong tumanggap."

I pursed my lips. Nabanggit na niya sa akin iyan.

"L, hindi mo na dapat binibigyan pansin iyong mga bagay na ganun. Hayaan mo sila. Si God na ang bahala-"

"Even if they get punished by God, hindi iyon ang inaalala ko. People would taste their own punishment someday, including you and I. Pero..." Mariin siyang pumikit. Nang dumilat, tutok na tutok sa akin ang madilim na mata. "Ikaw ang pinoproblema ko. I can't fathom if you're sad or not. Kung totoo bang masaya ka o... nagpapanggap lang."

Always Here (Salve Series #1)Where stories live. Discover now