Chapter 01

235 17 7
                                    

Middle of the Night

Chapter 1


"Happy last day!" mapang-asar na ngiti ko kay, Monica, ang bestfriend ko simula elementary.

Umirap siya sakin pero hindi rin napigilan ang sarili kaya natawa rin siya. "Ba't parang masaya ka pa? Last day na nga natin."

Sinundot ko ang tagiliran niya at agad naman siyang umiwas. "Wala namang magagawa kung sisimangot tayo, 'di ba?"

Hindi na siya sumagot at umirap lang ulit kaya tinawanan ko lang siya.

Dalawang taon na rin kaming part-timer ni Monica sa coffee shop na ito tuwing summer. Pero kaninang umaga sinabihan na kami ng owner hindi na sila kukuha ng part-timers ngayong taon dahil masyado na silang maraming staff at priority nila ang regular employees. Siyempre, kahit na malungkot kami wala naman kaming magagawa.

Tapos ang peak hour namin kaninang umaga at mamayang hapon pa ulit ang susunod na dagsa ng tao kaya nagpupunas na lang kami ni Monica ng mga mesa.

"Lily," siniko ako ni Monica at inginuso ang gawi ng glass door.

Lumingon ako at nakitang may papalapit na customer kaya nagmamadali akong pumunta doon para pagbuksan siya ng pinto.

"Good afternoon, sir! Welcome to GoldBlend Café!" masaya kong bati sa kaniya.

Hindi naman kumibo 'yung lalaki at hindi man lang rin ako tinapunan ng tingin. Napatitig ako sa kanya dahil ang lakas ng dating niya.

Matangkad ang lalaki, tipong pang-model ang height. Simple lang ang suot nito. Plain white shirt na naka-tuck sa light maong pants at black Classic Chuck Taylor shoes. Matangos na ilong, singkit na mga mata at mapulang mga labi. Pero ang higit na nakakaagaw ng pansin ay ang kulay ng binata. Golden tan skin na bagay na bagay sa kaniya. Mukha siyang lalaking-lalaki.

Kalalampas niya pa lang sa pinto ng coffee shop noong mapansin ko na may dala siyang Golden Retriever. "Sorry sir pero no pets allowed po inside the shop."

Doon niya lang ako tinignan and he spoke in a smooth deep masculine voice. "Isn't this a pet-friendly café?"

Hindi ko inalis ang malawak kong ngiti, "Pwede naman po, sir, pero sa labas na tables lang po. Pasensya na po."

"I'll be taking my coffee to go so I won't be staying long." He argued.

"Bawal po talaga, e. Kung gusto niyo sir bantayan ko po muna 'yung aso niyo habang umoorder kayo." Pag-offer ko sa kaniya.

Nagsalubong ang dalawang kilay niya at bigla akong tinignan mula ulo hanggang paa at nag-iwas siya ng tingin at kinuha ang cellphone mula sa bulsa niya.

Napakunot ang noo ko. Grabe naman ang lalaking 'to kung makatingin sa'kin. Mula ulo hanggang paa talaga na para bang 'di ako katiwa-tiwala tapos biglang nag-iwas ng tingin. Ano bang akala niyang gagawin ko pag-iniwan niya sa'kin ang aso niya, itatakbo ko ba?

Pero kahit nagsisimula na akong mainis sa lalaki ay hindi ko na lang pinatulan. Customer pa rin siya at kailangan ko siyang i-entertain.

Hindi ko sinara ang pinto pero hindi rin naman siya umaalis sa tapat nito.

"Xaviell, where are you?" sabi nung lalaki sa kausap niya. "I'm outside the café. Could you come here and get your dog? Hindi ako maka-order sa loob."

"Upo muna kayo sa mga chairs doon habang naghihintay, sir." I gestured towards the chairs na nasa labas ng café.

Hindi niya ako pinansin pero pumunta rin naman siya doon at tumayo lang sa tabi ng isa sa mga upuan. Dahan-dahan kong sinara ang pinto at pumunta na lang sa bar counter.

Middle of the Night (High View Series #1)Where stories live. Discover now