Chapter 04

137 8 11
                                    

Middle of the Night

Chapter 4


Matutuyo yata ang utak ko dito.

Kanina pa ako nakatulala sa harap ng bulletin board kung saan nakalista ang lahat ng kursong available sa State College na balak kong pasukan. Hindi naman ganoon karami ang pagpipilaan ko pero hanggang ngayon wala pa rin akong maisip.

"Nakapag-enroll na ko," biglang sumulpot si Monica sa tabi ko.

Grade 3 pa lang magkaibigan na kami ni Monica. First day pa lang ng klase no'n hiningi na niya 'yung baon kong tortang talong kasi paborito daw niya 'yon. Simula no'n hindi na kami mapaghiwalay. Hanggang highschool magkasama kami, at ngayon nga pati sa college parehas kami ng papasukan na school.

"Ikaw?" tanong niya noong 'di ako kumibo.

Nagkibitbalikat ako. Hanggang ngayon 'di pa rin ako sigurado.


Mahina niyang pinalo ang braso ko, "Apat na nga lang choices diyan, e!"

Sinamaan ko siya ng tingin, "E sa hindi nga ako makapili. Gayahin na lang kaya kita kahit wala akong idea kung ano ba gagawin sa entrep?"

"Gaga!" palo na naman niya ang braso ko. "Pag-isipan mong mabuti." May nilabas siyang mga papel at iniabot sa'kin.

"Ano 'to?"

"Kinuha kita ng outline ng courses para magkaroon ka ng idea at makapag-decide ka." Seryoso niyang sabi. "'Wag mo lang masyadong tagalan ang pag-de-decide dahil baka masarahan ka nan g enrolment."

Bumuntonghininga ako at pilit na ngumiti kay Monica. Mabuti na lang at supportive 'tong bestfriend ko kahit na madalas sumakit ang ulo niya sa'kin.

"'Wag ka na malungkot makakapag-decide ka rin," umangkla siya sa braso ko at nagsimula na kaming lumakad palabas ng school. "Tara ililibre na lang kitang ice cream sa plaza tapos daan tayo sa coffee shop."

"Ice cream lang?" reklamo ko.

"Kung mayaman lang ako, Lily, baka pinag-aral pa kita sa Harvard." Natatawang biro ni Monica.

Bumili lang kami ng tig-isang cone ng ice cream sa malapit na convenient store sa bayaan at dumeretso sa coffee shop kung saan kami nag-part time ni Monica.

Papalapit pa lang kami sa coffee shop agad na may nahagip ang mata ko na lalaki sa loob. Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan. At kung bakit kahit nakatalikod ang lalaki ay alam kong kilala ko siya.

Nakasuot siya ng usual niyang checkered na polo. Ngayon kulay pula ito. Sa harap niya may nakaupong maputing lalaki na kulay blue ang buhok. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila.

Agad kong hinigit si Monica kaya napatigil siya sa pag-atras, "Mamaya na lang kaya tayo dumalaw. Mukhang busy sila."

Nagsalubong ang kilay niya, "Anong busy? Dadalawang mesa lang ata ang customer nila saka hindi naman peak hours."

"Sa susunod na lang kasi tayo pumunta, umuwi na lang muna tayo."

Naningkit ang mata ni Monica na tinignan ako, "Lily, umamin ka nga sa'kin?"

"Ano?" napalunok ako.

"May iniwan ka bang utang dito kaya ayaw mo dumalaw? Kanino ba? Kay Jane?"

"Ha?" natatawa kong sabi. "Gagi. Wala! Baka lang kasi mapagalitan sila pag tumambay tayo."

"'Di naman tayo manggugulo. Sandali lang naman tayo."

Dahil mapilit si Monica, wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya papasok ng coffee shop.

Middle of the Night (High View Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora