Chapter 05

133 9 9
                                    

 Middle of the Night

Chapter 5


I've always been fond of animals kahit noong bata pa lang ako. Kaya kahit saan ako makakita ng mga cute na hayop, I have this uncontrollable urge to pet them.

Pauwi na ako sa bahay galling kina Aling Sonia noong may makita akong cute na aso na palakad lakad. Medyo pamilyar siya sa'kin pero sigurado akong hindi siya aso ng kapitbahay naming. Mukha naman siyang maamo kaya agad ko siyang nilapitan.

Hindi rin naman siya tumakbo palayo kaya natuwa ako. "Hello, nawawala ka ba?" tanong ko sa kanya na para bang sasagutin niya ang tanong ko. Napansin kong may suot siyang collar kaya sigurado akong may may-ari sa kaniya.

Malinis din siya at mukhang healthy. Mukhang alagang alaga. Kaya nagtataka ako kung saan siya nanggaling at paano siya napunta dito sa bukid.

Naupo lang ang aso at nilabas niya ang dila niya. Mukha siyang pagod at hinihingal na. Ang cute!

Dahil mukhang mabait naman siya, hindi na ako nagdalawang isip na himasin ang pisngi niya. "Nauuhaw ka ba? Gusto ko ng tubig? Sama ka sa'kin?" sunod sunod kong tanong. Tinitigan lang ako ng cute na aso, siguro kinikilatis ako nito.

Nag-iisip akong isama muna siya sa bahay para bigyan ng tubig pagkatapos saka naming hahanapin ang may-ari sa kanya.

Mahina kong kinurot ang pisngi niya at naglakad palayo. Balak ko sanang tawagin ang pangalan niya para sumunod siya sa'kin pero 'di ko naman alam kung ano 'yon. Walang nakalagay sa collar, e. "Cutie, come."

Hindi siya kumilos pero nakatitig lang siya sakin.

"Cutie, come." Paulit-ulit kong sabi habang pinipilit siyang sumunod sa'kin. "Sama ka na, hindi naman ako bad. Bibigyan kita –"

Napatigil ako sa pagtawag sa aso noong makarinig ako ng sigaw, "Hey, dog thief!"

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ko si Mikhail na naglalakad palapit sa amin. Bigla ring tumakbo ang aso palapit sa kanya at dinamba damba siya na para bang tuwang tuwa itong makita si Mikhail.

Naningkit ang mata ko noong maalala ko kung anong isinigaw niya. Tinawag na naman niya akong dog thief.

Malawak ang ngiti niyang lumapit sa'kin. "Caught you."

Umikot agad ang mata ko at narinig ko ang malutong niyang halakhak. "Hindi ko naman nanakawin aso mo. Mukha kasi siyang nauuhaw, bibigyan ko sana ng tubig."

"How come you are much nicer to animals than to people?"

"Cute kasi sila."

"Bakit? 'Di ba ako cute?"

Sinimangutan ko siya, "Gusto mo talaga sagutin ko 'yan?"

Malakas na naman siyang tumawa at tinignan ang asong kanina pa damba ng damba sa kanya. Hinawakan niya ang ulo nito. "His name is Cheese, not cutie."

"Malay ko ba, walang collar 'yang aso mo e."

"It's my cousin's dog," aniya. "I'm surprised you did not recognize him. This wasn't the first time to tried to steal him."

Kumunot ang noo ko, "Hindi ko nga nanakawin, saka ano bang sinasabi mong not the first time-" napatigil ako noong maalala ko ang una naming encounter sa coffee shop. Kaya pala pamilyar itong si Cheese, siya 'yung aso na kasama ni Mikhail no'n. "'Yung sa coffee shop ba? Nag-offer lang naman ako na bantayan siya no'n para makabili ka ng kape, na-judge mo pa ko." Mahabang paliwanag ko.

Mikhail stifled a laugh, "No. Not that."

"E, ano?" gulong gulo ko nanng tanong at alam kong bakas na 'yon sa mukha ko. Mikhail seemed so amused by this at naiinis ako. Hindi ko kasi maintindihan bakit bag anon ang tawag niya sa'kin.

Middle of the Night (High View Series #1)Where stories live. Discover now