Chapter 13

84 7 13
                                    

Middle of the Night

Chapter 13


Sa mga natitirang araw ng klase ko ay nasanay ako sa naging routine namin ni Mikhail. After class ay hinihintay na niya ako sa tapat ng gate. Usually ay kumakain kami sa labas o kaya ay nagkakape. Pero kahapon naisip namin na tumambay sa park habang kumakain ng ice cream, just like the old times.

"Sasama ka ba mamaya?" tanong ni William habang naglalakad kaming tatlo sa corridor.

Tapos na ang exam week at nagpapasa na lang kami ng final requirement ng ilang subjects.

"Oo naman. Nagpaalam na ko kila nanay na gagabihin ako."

Last day na kasi ng klase at nagkaayaan ang buong block namin na mag-celebrate sa bahay ng isa naming kaklase.

"Eh sa boyfriend mo nagpaalam ka ba?" biglang tanong ni William.

Nanlaki ang mata ko at napalo ko siya sa braso. "Anong boyfriend sinasabi mo diyan?" Kahit hindi pa niya sinasabi alam kong si Mikhail ang tinutukoy niya.

"Ah hindi mo pa boyfriend?" nangingisi niyang sabi, "Nanliligaw pa lang?"

Umirap ako at nag-iwas ng tingin.

"Nagsisimula na naman kayong dalawa," naiiling na sabi ni Crizel. "Dalian na natin baka umalis na mga prof sa faculty."

Nagmadali na lang ako sa paglakad at sumunod kay Crizel para makaiwas sa mga tanong ni William. Sa totoo lang kasi ay hindi pa rin naman 'yon napag-uusapan ni Mikhail. Sa ngayon ay masaya lang ako na madalas kaming nagkikita pagtapos ng klase ko.

Dahil wala naman na ring klase, pagtapos namin magpasa ng final requirements ay nag-aya na rin sa bahay nila Bret. Nag-order lang kami ng pagkain at nag-ambagan.

"Iinom ba kayo?" tanong ni Crizel sa mga kaklase naming lalaki.

"Duh," sabi ni Bret, "Syempre, oo. Bakit 'di mo ba papayagan si William?" tukso nila. Madalas nilang tuksuhin 'yung dalawa dahil maalaga si William kay Crizel. Kami kasi ni William lagi lang nag-aaway.

Umikot ang mata ni Crizel, "Pake ko diyan?"

Nagtawanan sila Bret.

Tumambay kami ni Crizel kasama sila Summer sa sala habang nag-iinuman naman ang iba sa garden. Medyo malaki din ang bahay nila Bret dahil parehas na nasa abroad ang parents niya at nag-iisang anak lang naman siya.

Ang mga boys naman ay nasa labas at nag-iingay habang nag-iinuman.

"Crizel, sabihin mo diyan kay William 'wag masyado maglalasing baka bitbitin natin 'yan pauwi." bulong ko sa kaniya. Madalas naman kasi kay Crizel nakikinig si William.

Tumayo si Crizel at pumunta sa labas para silipin 'yung maligalig naming kaibigan.

"Lily," tawag ni Alyson sa'kin. "Sino 'yung laging sumusundo sa'yo?"

"Ha?" gulat kong sabi sa biglang tanong ni Alyson.

Ngumiti si Summer, "Oo nga. Lagi namin nakikita na sinusundo ka nung pogi na naka-car. Jowa mo beh?"

Natulala ako ng bahagya sa mga tanong nila. Unang-una, kagaya kanina ay hindi ko alam ang isasagot ko. Alam ko sa sarili ko na hindi ko boyfriend si Mikhail. Pero hindi rin kami magkaibigan lang.

"Manliligaw siguro?" si Ileana. "Girl ang swerte mo ha. Ang gwapo niya tapos mukhang rich kid pa ang ganda ng sasakyan."

Isang awkward na tawa ang pinakawalan ko. Hindi ko rin masagot. Wala naman sinabi si Mikhail na nililigawan niya ako.

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: May 01 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

Middle of the Night (High View Series #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin