Chapter 03

172 9 22
                                    

Middle of the Night

Chapter 3


"Tanggal na raw si Vergel sa bukid," kwento ni tatay habang kumakain kami.

Kakagaling niya lang sa bukid matapos ang ilang araw niyang pagpapahinga pagtapos na tumaas ang blood pressure niya noong nakaraan.

Napatigil kami sa pagkain at lumingon sa kaniya. "Kailan pa?" tanong ni nanay.

"Nung isang araw lang din," wika niya at nagpatuloy sa pagkain.

"Ang bitin mo naman magkwento," nakanguso kong sabi sa kanya kaya natawa si tatay.

"Sinumbong raw kasi kay Don Gregor kung paanong palakad ni Vergel sa lupa tapos sinegundahan pa ni Iko, ayon e di inalis siya sa bukid."

Nagsalubong ang kilay ko. Sino naman kaya ang naglakas ng loob na magsumbong e wala naman sa mga magsasakang kasama ni tatay ang malapit kay Don Gregor. Si Mang Iko lang.

Parang nabasa naman ni nanay ang nasa isip ko nung magtanong siya, "Sino naman daw ang nagsumbong?"

"Si Mikhail."

Nagulat ako noong marinig ang sinabi na iyon ni tatay. Higit sa kahit sino, hindi ko inaasahan na si Mikhail ang magsusumbong tungkol kay Vergel. 'Di ba wala naman siyang interes sa lupa, bakit niya sinumbong ang nangyari?

Hindi naman na gaanong pinag-usapan ni nanay at tatay ang tungkol sa pagkakatanggal ni Vergel. Natuon ang atensyon nila sa iaambang sa paparating na birthday ni Mang Berting. 50 na kasi ito at nag-iimbita na si Aling Sonia sa bahay nila.

Lumipas ang mga araw na naging maayos naman ang trabaho ni tatay sa bukid kaya nawala na rin ang pag-aalala namin. Ang laking pagbabago ang naganap noong wala na si Vergel doon.

Naisip ni nanay na gumawa ng specialty niyang Biko Latik dahil request rin daw ni Aling Sonia dahil bukas na ang birthday ni Mang Berting. Inutusan niya akong pumunta ng bayan para bumili ng ilang ingredients.

Balak ko na rin dumaan sa tindahan ng tita ng bestfriend kong si Monica para makapagkwentuhan saglit.

Katatapos lang ng tanghalian at medyo mainit ang sikat ng araw. Buti na lang dala ko ang payong ko matagal pa naman dumaan ang jeep pag ganitong oras dahil siesta time.

Tinanaw ko ang kalsada pero wala pa ring jeep na paparating. Medyo ngawit na rin ako dahil naglakad pa ako palabas dito.

Nagsalubong ang kilay ko noong may humintong pula at mukhang mamahaling sasakyan sa harap ko. Uusod sana ako dahil baka biglang may dumaan na jeep at malampasan pa ako noong magbaba ng binatana ang nasakay sa magandang kotse.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Mikhail.

Bahagyang nanlaki ang mata ko noong makita siya. Hindi ako kaagad nakakibo.

"Sa bayan ka ba?"

"A-ah, oo." Mabilis kong sagot.

"Get in," tugon niya.

Sumeryoso ang mukha ko, "Hindi na. Mag-jeep na lang ako." Hindi naman kami close para sumabay ako sa kanya. Saka mamaya madumihan ko pa 'tong maganda niyang kotse.

"Sumabay ka na. Mukha wala pang jeep na parating." He insisted. "Sa bayan rin naman ang punta ko."

Tumingin ako sa ulit sa kalsada, mukhang tama si Mikhail dahil wala pang paparating na jeep. Tinapunan ko siya ng tingin, he is patiently waiting for me.

"Come on," wika niya pa.

Bumuntonghininga ako. Wala naman sigurong masamang gagawin 'tong si Mikhail. Ang liwanag pa ng paligid. 'Di naman siguro ako ki-kidnapp-in nito. At wala rin naman sigurong masama kung sasabay ako sa kaniya, parehas din naman kami ng pupuntahan.

Middle of the Night (High View Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant