Chapter 10

80 10 8
                                    

Middle of the Night

Chapter 10


He's here.

Alam kong hindi naman malabo na dadating ang araw na magkikita kami ulit ni Mikhail. After all, nandito pa rin ang pamilya niya.

Inihanda ko na ang sarili ko kung sakaling mangyari iyon. Alam kong galit ako sa kanya. Sa kung anong dahilan ay naguguluhan na rin ako.

"Hi," matipid niyang sabi habang nakatitig sa akin.

Agad akong natauhan at nag-iwas ng tingin. Nakita kong pigil na pigil ang ngiti ni Odi at Niko pero bigla din silang sumeryoso noong makita na nakatingin ako. Dumako ang tingin ni Odi sa dalawang kasama ko.

"Ah...mga kaibigan ko pala." Banggit ko. "Si William at si Crizel."

Lumapit sila sa dalawa at nagpakilala. Hindi ko pa din binabalingan si Mikhail pero ramdam ko ang mga mata niya sa akin.

"Lil, would you mind if sumama na lang kami sa inyo?" biglang banat ni Niko.

"Huh?"

"Oo nga! Para maiba naman kasama ko, seriously sawa na ako sa mga 'to." Turo ni Odi sa mga pinsan niya.

Gusto kong tumanggi. Siguro kung sila Odi, Niko at Szy lang wala namang problema sa akin. Pero si Mikhail...hindi ko alam.

"Sure, pre." bigla namang sabi ni William. Napaka-friendly talaga nito kahit kailan, e.

"Mas masaya nga naman pag madami," sang-ayon naman ni Crizel kaya wala na akong nagawa.

Tahimik lang ako na sumama sa kanila dahil ramdam ko ang presensya ni Mikhail kahit gaya ko ay hindi rin siya kumikibo. Sumabay na lang ako ng paglakad kay Crizel para makaiwas sa kaniya.

"How do you play this?" tanong ni Szy.

"Hagis ka lang piso diyan tapos kung saan tumapat may prize." turo ni William. Kabisado niya ang mga laro dito dahil batang peryaan 'to.

"Teka, try ko nga." excited namang sabi ni Odi at sumingit pa kina Szy at William. Naghagis siya ng isang daan na buo.

Nanlaki ang mata ko.

"Ang laki naman ng hinagis mo pre, sabi ko piso lang!" gulat ring sabi ni William habang si Crizel tawa ng tawa sa likod.

"Walang barya," natatawang sabi ni Odi at bumunot ng isa pang one hundred pesos.

"Seryoso ba wala ka talagang barya?" natatawang sabi ni William.

Umiling si Odi kaya napakamot ng ulo si Crizel at dumukot ng barya sa bulsa niya para ibigay kay Odi na tuwang tuwa at nagmamadali pang tumaya.

Tumabi sakin si Niko at sinandal ang braso niya sa balikat ko, "William is not your boyfriend, right?"

"Huh?" nagulat kong usal tapos ay natawa din ako. Hindi ko alam bakit ganito bigla ang tanong ni Niko. Umiling ako. "Bakit?"

Tumango-tango siya na para bang satisfied sa sagot ko, "I'm still rooting for you two." at inginuso niya ang pwesto ni Mikhail na may tipid na ngiti habang pinanonood si Odi.

Sumimangot ako kaya malakas na tumawa si Niko. "Just talk to him, Lil. Hear him out."

"Ayoko," tipid kong sagot at iniwan ko siya para lumapit kay Crizel na libang na libang habang pinanonood si Odi at William na naglalaro.

Maya-maya pa ay sumuko na rin si Odi dahil naubos na ang baryang binigay ni Crizel sa kanya kaya nag-aya na siyang lumipat.

"Rides na lang tayo. Sagot ko," aya ni Szy.

Middle of the Night (High View Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon